297 total views
Inanyayahan ang bawat mananampalataya na makiisa sa gaganaping ika – 4 na World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) na gaganapin sa Manila sa January 16 hanggang 20, 2017.
Ayon kay International WACOM General Secretary Rev. Father Patrice Chocholski, layunin ng naturang pagtitipon na panibaguhin muli ang pagmimisyon ng awa ng Diyos na nagpapatuloy ang pagpapadama ng awa ng Panginoon kahit tapos na ang Jubilee Year of Mercy.
Paliwanag pa ni Fr. Chocholski na mahalagang bigyang prayoridad ang “Theology of Mercy” lalo na sa mga makabagong laykong misyonero anumang organisasyon o samahan na kanilang kinabibilangan.
“The aim of the next congress in Manila, it will be a great inspiration for the church of the whole world and especially in this time of mercy. I invite all of you to participate to this congress, you belong to other association, movements of the church it is the Divine Mercy that does not belong to anybody because it is Christ same and we do not possess any person,” bahagi ng pahayag ni Fr. Chocholski sa panayam ng Veritas Patrol.
Iginiit pa ni Fr. Chocholski na makaysaysayan ang ika – 4 ng Kongreso ng Awa dahil ito ay gaganapin sa Pilipinas na pagkakataon muling ipakita sa buong mundo ang mayaman nating pananampalataya lalo sa iba’t iba nating apostolado na nagpapakita ng habag ng Diyos.
“The Divine Mercy it is the Father of everybody, all movements, all congregations, everybody according to his charism, style abd type of mission. You must be present to this congress, belonging from any mission in the church or mercy parish. Welcome to this congress it will be a great joy and also inspiration for the world. Thank you and see you in January in Manila 16 – 20, 2017,” paliwanag pa ni Fr. Chocholski sa Radyo Veritas.
Magugunitang nito lamang nakaraang pagtatapos ng Hubilehiyo ng Awa sinabi ni Papa Francisco na ang paggawa ng awa ay hindi nahihinto kundi nagpapatuloy pa rin sa sakramento at misyon ng Simbahan.
Mahigit sa 100-kinatawan mula sa 25-diocese ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang dumalo sa huling pagpupulong bilang paghahanda sa WACOM na ginanap sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Marilao, Bulacan.