Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Basagin ang kultura ng karahasan

SHARE THE TRUTH

 312 total views

Mga Kapanalig, isang judge ang naghain kamakailan ng reklamo laban sa mga estudyanteng kasapi ng fraternity na Alpha Phi Omega. Biktima raw ng hazing ang kanyang 18-anyos na anak na lalaki. Nag-aaral si JL Bautista sa De La Salle University, at sa kagustuhan daw na maging proud sa kanya ang tatay na miyembro rin ng nasabing fraternity, sumali siya rito. Ang judge pa nga raw mismo ang humikayat sa kanya. Pinalo si JL sa kanyang mga hita at binti, sinuntok sa dibdib, at pinagsasampal bilang bahagi ng kanyang initiation. Nang malaman ito ng kanyang ina, pinahinto siya sa pagsali sa fraternity. Ngunit mapilit daw ang mga ka-brod ng kanyang ama kaya’t bumalik si JL sa grupo. Sa kanyang final rites, muli na namang dumaan sa karahasan ang estudyante. Ito na ang nagtulak sa kanyang mga magulang na magsampa ng kaso.

Hindi kasimpalad ni JL ang pinakahuling napaulat na biktima ng hazing.

Natagpuan noong nakaraang linggo ang nawawalang chemical engineering student sa Adamson University na si John Matthew Salilig. Nakita ang bangkay ng 24 na taóng gulang na binata sa isang bakanteng lote sa isang subdivision sa Imus, Cavite. Mahigit isang linggo na siyang nawawala noon. Ayon sa isa sa mga suspek na nagsumbong sa mga pulis, hindi bababa sa 70 hampas ng paddle ang natamo ng katawan ni John Matthew. Binawian siya ng buhay matapos ang initiation rites at habang nasa sasakyan. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nasa labinlimang persons of interest ang pinaghahahanap ng kapulisan. Kinundena ng Adamson ang nangyari sa kanilang estudyante at nangako itong makikipagtulungan sa imbestigasyong ginagawa ng awtoridad.

Sa kabila ng pagkakabatas ng Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Law, bakit hindi pa rin matulduk-tuldukan ang karahasang ginagawa sa mga fraternities sa ngalan umano ng pagkakapatiran? Darating pa kaya ang panahong mababasag na ang kultura ng karahasang bumabalot sa mga “kapatirang” ito?

Para sa mga nagtatanggol sa hazing sa mga fraternities, ang pagdaan sa pisikal na pananakit at paghihirap ay hindi lamang daw magpapatatag sa mga gustong maging miyembro kundi magpapatibay daw sa pagkakapatiran ng samahan. Ngunit sa totoo lang, ang hazing ay patunay ng tinatawag na toxic machismo culture kung saan mas pinahahalagahan ang kapangyarihan at kapusukan. Hindi pa nga mabura-bura sa ating lipunan ang mga katangiang sinasabing akma para sa mga lalaki—matapang at agresibo; hindi patatalo at hindi susuko. Hindi lamang nangyayari sa mga unibersidad ang hazing; sa maraming institusyon, maraming porma ng hazing na nagaganap na maaaring hindi marahas ngunit nakasasakit pa rin. Ayon nga sa teologong Heswita na si Fr. Eric Marcelo Genilo, ang hazing ay isang gawain kung saan ang mga makapangyarihan ay nagagawang isantabi ang mga tuntuning nangangalaga sa dignidad ng tao.

Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, sinabi ni Pope Francis na ang bawat marahas na gawaing ginagawa sa isang tao ay isang sugat sa balat ng sangkatauhan. Bawat marahas na pagkamatay ay nagpapababa sa ating pagkatao. “Violence leads to more violence, hatred to more hatred, death to more death,” dagdag pa ng Santo Papa.4 Bagamat maaaring ang pinatutungkulan ni Pope Francis ay ang karahasang dala ng mga digmaan, angkop pa rin ang mga salitang ito sa isyu ng hazing.

Mga Kapanalig, mukhang hindi sapat ang mga batas upang mabuwag ang kultura ng karahasan sa mga fraternities. Ang katapat nito—isang kultura ng kapayapaan—ay dapat umusbong sa bawat institusyon, bawat organisasyon, at bawat tao. Wika nga sa Mateo 5:9, “pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan”. Kung hindi man mabubuwag ang mga fraternities, kaya ba nilang maging daluyan ng kapayapaan?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 25,358 total views

 25,358 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 56,497 total views

 56,497 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 62,082 total views

 62,082 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 67,598 total views

 67,598 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 78,719 total views

 78,719 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 25,359 total views

 25,359 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 56,498 total views

 56,498 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 62,083 total views

 62,083 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 67,599 total views

 67,599 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 78,720 total views

 78,720 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 79,534 total views

 79,534 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 67,236 total views

 67,236 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 75,718 total views

 75,718 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 68,777 total views

 68,777 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 75,701 total views

 75,701 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 72,795 total views

 72,795 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 83,296 total views

 83,296 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 98,369 total views

 98,369 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 104,333 total views

 104,333 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 108,480 total views

 108,480 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top