Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 407 total views

3rd Sunday of Lent Cycle C

Ex 17:3-7 Rom 5:1-2.5-8 Jn 4:5-42

Kung tayo ay may kailangan, paano ba tayo humingi? Kailangan ng mga Israelita ng tubig. Uhaw na uhaw na sila sa disyerto. Humingi sila ng tubig kay Moises na may panunumbat. “Inialis mo kami sa Egipto para patayin sa uhaw pati mga anak namin at mga hayop!” Maaari naman silang nakiusap na bigyan sila ng tubig pero may bintang pa ang kanilang paghingi – gusto mo lang kami patayin sa disyerto kaya mo kami inilabas sa Egipto! Si Jesus ay nauhaw din sa tanghaling tapat pero siya ay nakiusap sa Samaritana: “Maaari bang makiinom?” Hindi siya demanding. Nakiusap siya tulad ng isang taong nangangailangan.

Paano ba tayo humingi, lalo na paano ba tayo humingi sa Diyos? Sana humingi tayo ng may kababaang loob at ng may malaking pag-asa. Sa harap ng Diyos hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sinabi ito ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Hindi tayo bibiguin ng Diyos sa dalawang dahilan. Una, ibinigay na niya sa atin ang Espiritu Santo na siyang sangla na mahal niya tayo. Hindi niya tayo iiwanan at pababayaan kasi nasa atin na ang kanyang Espiritu. Pangalawa, talagang pinatunayan niya na mahal niya tayo dahil namatay siya para sa atin. Mahirap mamatay para sa isang tao, pero kung sakaling talagang mabait ang taong iyon at malaki ang ating utang loob sa kanya, tulad ng ating magulang o matalik na kaibigan, maaaring magbuwis pa tayo ng buhay para sa kanya. Pero pinatunayan ni Jesus na talagang mahal niya tayo nang tayo ay makasalanan pa, tinatanggihan pa natin siya, namatay na siya sa krus para sa atin. Kaya kung ibinuhos na niya ang kanyang dugo noong kaaway pa natin siya, ano kaya ngayon na natubos na tayo, na anak na tayo ng kanyang Ama, babalewalain pa ba niya ang ating kahilingan? Umasa at manalig tayo sa kanya. Kaya humingi tayo sa Diyos nang may malaking tiwala at hindi pagalit o nagbabanta pa sa kanya, tulad nang kung hindi mo ibigay hindi na ako maniniwala sa iyo o hindi na ako magsisimba. Hindi ganyan.

Humingi si Jesus ng maiinom. Pero sa totoo lang balak siyang magbigay ng mas mahalaga. Mahalaga ang tubig. Kung may tubig mayroong buhay. Kaya ang mga scientists na naghahanap kung may buhay sa ibang planeta o sa ibang bituin, sila ay nagsasaliksik kung may tubig ba doon. Kung makakita ng tubig, malaki ang posibilidad na may buhay doon. Pero hanggang ngayon wala pa silang nakikita na planeta na may tubig kaya hindi pa sila nakakatagpo ng isang maybuhay. Humingi si Jesus ng tubig pero handa siyang magbigay ng tubig na kung iinumin natin hindi na tayo mauuhaw at ito ay magiging bukal pa sa loob natin na magbibigay ng buhay na walang hanggan. Hindi napick-up ng babae na nasa ibang lebel na ng pag-uusap ang tinutukoy ni Jesus. Patuloy pa rin ang babae sa lebel ng material na usapin. Kaya sinabi niya na bigyan mo ako ng ganitong tubig para hindi na ako babalik sa balong ito para sumalok kahit sa tanghaling tapat.

Kaya talagang binago ni Jesus ang usapan. Pinatawag sa kanya ang kanyang asawa. Noong sabihin niya na wala siyang asawa, kinumperma ni Jesus na wala nga siyang asawa ngayon kasi may lima na siyang lalaki at ang kinakasama niya ngayon ay hindi niya asawa. Nagulat ang babae na nalaman ang kanyang kalagayan kaya natanto na niya na hindi na ito usapin ng material at pangkaraniwang bagay. Mataas na lebel na usapan na ito. Propeta itong kausap niya hindi lang isang Hudyo na nauuhaw. Nagtanong na siya tungkol sa pagsamba, kung saan ba dapat magsamba sa Diyos, sa Jerusalem ba ayon sa paniniwala ng mga Hudyo, o sa bundok ng Gerizim sa Samaria, ayon sa paniniwala nilang mga Samaritano.

Naniniwala ang mga Samaritano na sa pagdating ng Mesias, ng Kristo, sasabihin niya kung saan ba talaga dapat sasambahin ang Diyos. Ang sagot ni Jesus ay: siya na nga ang Mesias na tinutukoy niya at dumating na ang panahon na ang tunay na sumamba sa Diyos Ama ay hindi sasamba sa anumang lugar. Ang mahalaga ay hindi ang lugar kundi ang diwa ng pagsamba, sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan.

Sa maikling pagsasalubong na ito nag-iba ang pananaw ng Samaritana kay Jesus. Una, ang tingin niya sa kanya ay isang dayuhang kaaway – isang Hudyo na nagbabalewala sa kanilang mga Samaritano. Hindi nakikiisa ang mga Hudyo sa mga Samaritano. Kaya bakit siya hihingi ng maiinom sa kanya na hindi gumagamit ang mga Hudyo ng gamit ng mga Samaritano? Pagkatapos, nagbago ang kanyang paanaw sa lalaking ito. Maaari siyang makatulong sa kanya – maging benefactor niya. Bigyan mo ako ng ganitong tubig para hindi na ako paparito at sasalok. Noong binisto siya ni Jesus na mayroon siyang limang lalaki, kinilala niya na ito ay isang propeta, kaya nagtanong na siya tungkol sa pagsamba, isang tanong na ang Mesias, ang Kristo lang ang makasasagot.

Hindi lang na nagbago ang pananaw niya kay Jesus. Nagbago din siya. Nagsimula siyang masungit, nag-aalangan na tulungan si Jesus, naging tagapaghingi na siya – bigyan mo nga ako ng ganitong tubig. Naging tagapaghanap na siya ng katotohanan tungkol sa pagsamba sa Diyos, saan dapat sambahin ang Diyos, at sa huli, naging tagapagbalita na siya sa lunsod. Iniwan niya ang kanyang pakay – iniwan ang kanyang banga – at bumalik sa lunsod na excited na excited na nagbabalita sa lahat. Hindi na siya nahihiya sa kanyang sariling kalagayan: “Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na kaya ang Kristo?”

Makapangyarihan ang kanyang patotoo na ang buong lunsod ay pumunta sa balon, nakinig kay Jesus, at inanyayahan pa siyang tumuloy sa kanila. Nagtapos ang salaysay sa pahayag ng mga tao: “Naniniwala na kami ngayon dahil sa narinig namin siya. Siya ang tagapagligtas ng sanlibutan!”

Lumalim ang pagkakilala kay Jesus, mula sa isang dayuhang kaaway, tungo sa isang posibleng benefactor, tungo sa isang propeta, tungo sa siya na ang Kristo, at nagtapos na siya ay Tagapagligtas ng Sanlibutan. Paano nangyari ang pagbabagong ito? Dahil sa unang paghingi ni Jesus ng tubig, tungo sa pakikipag-usap sa kanya, tungo sa pakikinig sa kanya, at nagtapos sa pagtigil ni Jesus sa kanila ng ilang araw.

Sana ngayong Kuwaresma umaabante din tayo sa pagkilala at commitment kay Jesus. Humingi tayo sa kanya ng may pag-asa at tiwala. Pagbibigyan niya tayo. Ano ang hihingin natin? Ang mas palalimin na pagkakilala at pananampalataya sa kanya. Ang pananampalatayang ito ay ang tubig sa loob natin na bubukal tungo sa buhay na walang hanggan. Si Jesus nga talaga ay ang Kristo, ang tagapagligtas ng Sanlibutan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,503 total views

 23,503 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,159 total views

 38,159 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,274 total views

 48,274 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 57,851 total views

 57,851 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,840 total views

 77,840 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,232 total views

 5,232 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,329 total views

 6,329 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,934 total views

 11,934 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,404 total views

 9,404 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,452 total views

 11,452 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,780 total views

 12,780 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,026 total views

 17,026 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,454 total views

 17,454 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,514 total views

 18,514 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,824 total views

 19,824 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,553 total views

 22,553 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,739 total views

 23,739 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,219 total views

 25,219 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,629 total views

 27,629 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,905 total views

 30,905 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top