Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, MARSO 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,875 total views

Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Karunungan 2, 1a. 12-22
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Juan 7, 1-2. 10. 25-30

Friday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Karunungan 2, 1a. 12-22

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Sinabi ng masasama:
“Tambangan natin ang taong matuwid,
pagkat hadlang sila sa ating mga balak;
ipinamumukha nila sa atin ang pagsuway sa kautusan,
at sinasabing tayo’y nagkasala laban sa ating kaugalian.
Ipinamamarali nilang nakikilala nila ang Diyos,
at sinasabing sila’y anak ng Panginoon.
Sila ang nagbibigay sa atin ng mga problema.
Makita lang natin sila’y balisa na tayo,
pagkat kaiba ang gawain nila’t pamumuhay.
Ang palagay nila sa atin ay mababang-mababa,
at nandidiri sila sa ating gawain;
sinasabi nilang kaligayahan ang wakas ng matuwid,
at ipinagmamagaling na sila’y anak ng Diyos.
Tingnan natin kung ang salita nila’y magkakatotoo,
kung ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila.
Kung ang mga matuwid ay anak nga ng Diyos
sila ay tutulungan niya at ililigtas sa mga kaaway.
Subukin natin silang dustain at pahirapan,
upang malaman natin kung hanggang saan ang kanilang kagandahang-asal,
at kung hanggang kailan sila makatatagal.
Subukin nating ibingit sila sa kamatayan,
yamang ang sabi nila ay iingatan sila ng Diyos.”
Iyon ang usapan ng masasama, ngunit sila’y nagkakamali,
pagkat binubulag sila ng kanilang kasamaan.
Hindi nila natalos ang lihim na panukala ng Diyos,
hindi sila umasa sa gantimpala ng kabanalan,
hindi naisip ang magandang wakas ng malinis na pamumuhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Nililipol ng Diyos yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.
Ang taong matuwid, masuliranin man,
sa tulong Poon, agad maiibsan.

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Kukupkupin siya nang lubus-lubusan,
kahit isang buto’y hindi magagalaw.
Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas,
sa napakukupkop, siyang mag-iingat!

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 4b

Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama nating Maykapal.

MABUTING BALITA
Juan 7, 1-2. 10. 25-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang Galilea; iniwasan niya ang Judea, sapagkat ibig siyang patayin ng mga Judio roon. Nalalapit na ang Pista ng mga Tolda, isang pista ng mga Judio. Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Hesus ma’y pumunta rin sa pista, ngunit hindi hayagan. Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? Hayan! Lantaran siyang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabi laban sa kanya! Baka naman kilala ng mga pinuno na siya nga ang Mesiyas! Walang makaaalam kung saan magmumula ang Mesiyas pagparito niya, ngunit alam naman natin kung saan nagmula ang taong ito!”

Kaya’t nang nasa templo si Hesus at nagtuturo, malakas niyang sinabi, “Ako ba’y nakikilala ninyo? Alam ba ninyo kung saan ako nagmula? Hindi ako naparito sa ganang akin lamang. Ang Totoo ang siyang nagsugo sa akin, ngunit hindi ninyo siya nakikilala. Nakikilala ko siya, sapagkat ako’y mula sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.” Tinangka nilang dakpin siya; ngunit walang nangahas, sapagkat hindi pa niya oras.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Sa ating paglalakbay sa buhay, idalangin natin na pagkalooban tayo ng tapang na magsalita at magsikap para sa katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palakasin Mo kami sa Iyong katotohanan.

Ang mga kasapi ng Simbahan nawa’y magsikap na palaganapin ang Mabuting Balita ni Jesus sa buong mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagninilay sa pagpapakasakit ni Jesus sa krus, ang mga taong hindi sumasampalataya nawa’y manampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa ay magkaroon ng kapayapaan sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga dukha nawa’y maranasan ang nagpapagaling at mapagmahal na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng kapayapaan ng kanilang tahanan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, isinugo mo ang iyong Anak upang magpakasakit para sa amin. Loobin mo na sa pamamagitan ng aming pananampalataya sa kanya, malabanan namin ang kawalan ng pananampalataya sa aming sarili at sa mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 2,139 total views

 2,139 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 7,947 total views

 7,947 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 13,746 total views

 13,746 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 32,305 total views

 32,305 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 45,536 total views

 45,536 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 14,458 total views

 14,458 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 14,610 total views

 14,610 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 15,212 total views

 15,212 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 15,379 total views

 15,379 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 15,698 total views

 15,698 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 11,173 total views

 11,173 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 11,580 total views

 11,580 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 11,382 total views

 11,382 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 11,533 total views

 11,533 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 11,782 total views

 11,782 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 11,990 total views

 11,990 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 11,853 total views

 11,853 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 11,970 total views

 11,970 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 12,229 total views

 12,229 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 12,372 total views

 12,372 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top