2,517 total views
Patuloy na pinupunan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang pangangailangan ng naulilang kapamilya ng mga biktima ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang programa, tulong at suporta ng organisasyon sa mga naiwang asawa, magulang at mga anak ng mga biktima ng extra-judicial killings sa bansa.
Isa sa mga pangunahing programa sa ilalim ng Program Paghilom ay ang pagkakaloob ng legal assistance para sa mga kaanak na nagnanais na mabigyang katarungan ang sinapit na karahasan ng kanilang mahal sa buhay.
Ayon sa organisasyon na pinangangasiwaan ni St. Arnold Janssen Kalinga Center Founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD batid ng Simbahan ang hindi madaling proseso ng legal na pagdodokumento at pagsasampa ng kaso lalo na ng mga pamilya na walang sapat na kakayahan at kaalaman sa legal na proseso ng batas.
“What often stands in the way of justice? In many cases, it’s the unavoidable burden of paper work & legal documentation.” Pagbabahagi ng AJ Kalinga.
Katuwang ang legal advocacy partner ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na IDEALS, Inc. ay 10-kaanak ng mga biktima ng EJK mula sa Batch 17 ng Project Paghilom ang nakapaghain ng kanilang mga sinumpaang salaysay noong ika-4 ng Marso, 2023 kung paano napaslang ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng madugong War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.
“Last Saturday, March 4, our legal advocacy partner, IDEALS, Inc., helped 10 EJK mothers & widows of #ProgramPaghilom Batch 17 file their sworn statements regarding the events & circumstances surrounding how they lost a a family member in the Duterte administration’s bloody drug war. With the help of our partners, our Paghilom families stand a chance.” Dagdag pa ng AJ Kalinga.
Taong 2016 ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang “Paghilom Program” ng Arnold Janssen Kalinga Foundation upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa marahas na War on Drugs ng administrasyong Duterte.