2,510 total views
Muling nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng patuloy na pagpapatunog ng kampana sa buong diyosesis gayundin sa mga karatig diyosesis sa probinsya ng Negros Oriental sa gitna ng mga karahasang nagaganap sa lalawigan.
Ayon sa Obispo na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, hindi katanggap-tanggap ang walang tigil na karahasang nagaganap sa Negros Oriental kung saan patuloy na naisasantabi ang dignidad at kasagraduhan ng buhay ng bawat mamamayan.
Inihayag ni Bishop Alminaza na layunin ng patuloy na pagpapatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi na unang ipinanawagan ng mga Obispo ng Negros noong ika-27 ng Hulyo taong 2019 na maipaabot ang galit at apela ng mamamayan na mawakasan na ang hindi makatao at walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.
“As your pastor, I join my voice with those who strongly condemn this total disregard of the primacy and sanctity of human life and with all those who call for swift justice not only for those mercilessly killed… I once more renew the call we, the four Bishops of Negros, declared last July 27, 2019 “to toll the church bells in all parishes, chaplaincies, mission stations, and religious houses every evening at 8 o’clock until the killings stop!”” Ang bahagi ng pahayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.
Pagbabahagi ni Bishop Alminaza na sinisimbolo rin ng tunog ng kampana ang panalangin at hinaing ng mamamayan sa Panginoon na pukawin ang puso ng mga kriminal at maging ng mga otoridad upang bigyan ng katarungan ang mga biktima ng mga pagpaslang sa lalawigan.
“As we said once in our collegial statement, “In the stillness of the night, the tolling of the bells signifies our communion as Church. We remember those who have gone ahead of us – including those whose lives have been snatched by these killings… They, who are our brothers and sisters.” Moreover, we toll the church bells to remind each one of us of the value of human life, to express our solidarity with all those who were ophaned and widowed by this senseless violence, “to deliver us from this violence” and “ask God to disturb those who are responsible for this evil, that they may have a change of heart and be renewed”!” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Matatandaang may titulo ang nasabing Pastoral Appeal na ‘Exhortation to Government to Act on Ending the Killings’ kung saan inatasan ng mga Obispo ng Negros ang lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses na magpatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi mula noong ika-27 ng Hulyo taong 2019 hanggang sa tumigil ang karahasan sa lalawigan.
Kalakip nito ang panawagan ng Simbahan sa lahat ng mga mananampalataya na makibahagi sa panawagan upang mawakasan na ang patuloy na karahasan at serye ng pagpaslang sa lalawigan ng Negros.