Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tatak ng isang tunay na bayani

SHARE THE TRUTH

 896 total views

Mga Kapanalig, ginugunita natin ngayon ang kaarawan ng isa sa mga kilalá at dinadakilang bayaning Pilipino, si Gat Andres Bonifacio. Marami na tayong narinig tungkol sa kanyang buhay at sa kanyang kamatayan sa kamay ng mga kapwa Pilipino. Sa tuwing babalikan natin ang buhay ni Bonifacio, mainam na tanungin natin ang ating mga sarili: anu-ano nga ba ang tatak ng isang tunay na bayani?

Upang masagot ito, kailangan nating kilatisin ang isang kinikilalang bayani hindi lamang sa pamamaraang kanyang napili upang itaguyod ang kanyang ipinaglaban. Sa kaso ni Bonifacio, kailangan nating lampasan ang mga “stereotypes” o pagkakahon sa kanya. Palawigin natin ang pagkilala sa kanyang pagkabayani na sa napakahabang panahon ay ibinabatay lamang sa imahe niyang may hawak na bolo habang isinisigaw ang mithiing makalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga mapang-aping mananakop.

Huwarang Pilipino si Bonifacio. Sinasabing siya ang nagtaguyod sa kanyang mga kapatid nang mamatay ang kanilang mga magulang. Nagsumikap siyang maghanapbuhay kasabay ng paglinang sa kanyang kaalaman. Nang dumating ang panahon ng unti-unting paggising ng mga Pilipino sa katotohanan ng hindi pagkakapantay-pantay sa kanilang lipunan, buong giting niyang sinimulan ang isang kilusang aagapay sa mga kababayang naghahangad ng pagbabago. Lider ng Katipunan si Bonifacio, ngunit hindi niya ginamit ang kayang katungkulan upang isulong ang kanyang pansariling interes.

Ang tunay na bayani ay may kakayahang intindihin ang kalagayan kanyang kapwa, hindi ang sila’y pagsamantalahan. Ito ang nag-uudyok sa kanyang kumilos, hindi para iangat sa pedestal ang sarili o para masunod ang kanyang sariling kapritso, kundi upang ang mga pinagkakaitan ng katarungan ay makatanggap nito.

Sa kasaysayan ng ating pananampalatayang Katoliko, itinuturing nating mga bayani ang mga karaniwang taong sinaksihan ang kanilang pananampalataya sa hindi pangkaraniwang paraan. Sila ang mga martir at mga santo, mga huwaran kung paano mabuhay bilang mga tagapagpalaganap ng Mabuting Balita sa isang magulo at kumplikadong mundo. Sa tuwing ginugunita natin sila sa araw ng kanilang kapistahan, ipinapaalala sa atin ang buhay na kanilang tinahak, at mula rito ay makahahango tayo ng karunungan at lakas upang tayo rin ay makapag-ambag sa pagtatag ng kaharian ng Panginoon dito sa lupa. Sa kanila natin nakikita ang pagkilos ng pag-ibig ng Panginoon tungo sa mas pantay at mapayapang buhay ng Kanyang mga nilikha.

Hindi nalalayo ang mga katangian ng isang martir o santo sa isang bayaning nagsulong ng tunay na katarungan para sa kanyang bayan. Kapwa ay naghahangad ng pagbabagong hindi lamang nakatuon sa sarili. Iniaalay nila ang kanilang buhay para sa isang mas malaki at mas malalim na dahilan. Handa silang magsakripisyo, handa silang iwan ang pansariling kapakanan, dahil naniniwala silang ang buhay sa mundo, upang maging makabuluhan at makahulugan, ay dapat na inilalaan para sa kabutihan ng mas nakararami.  

Mga Kapanalig, mainit hanggang sa ngayon ang isyu ng paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. (Minsan na natin itong tinalakay sa isang editoryal.) Ngunit sa araw na ito, kung kailan natin inaalala ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, tunay namang napapanahong pag-isipang mabuti kung anu-ano ang ating mga batayan upang sabihing ang isang Pilipino ay nararapat na kilalanin bilang isang bayani, bilang isang mabuting halimbawa, hindi lamang ng katapangan kundi ng tunay na paglilingkod sa kanyang kapwa.   

Nawa’y hindi lamang sa mga okasyong ito natin pinagninilayan ang pagiging isang bayani. Araw-araw natin itong pagmunihan sa ating pakikisalamuha sa iba, sa tuwing nanonood tayo ng balita, o kapag may nababasa tayo sa social media. At tayo mismo, sa ating mga kilos, gawi, at salita, paano ba natin isinasabuhay ang halimbawa ng mga taong kinikilala nating bayani? Dahil kung ang kinikilala nating “bayani” ay inuna ang sarili sa halip na paglingkuran nang tapat ang kanyang kapwa, magdalawang-isip tayo sa bayaning ating tinitingala.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 37,366 total views

 37,366 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,022 total views

 52,022 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,137 total views

 62,137 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 71,714 total views

 71,714 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,703 total views

 91,703 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 37,367 total views

 37,367 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,431 total views

 3,431 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,023 total views

 52,023 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,138 total views

 62,138 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 71,715 total views

 71,715 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,704 total views

 91,704 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,264 total views

 49,264 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,289 total views

 44,289 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,858 total views

 47,858 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,313 total views

 60,313 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,380 total views

 71,380 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,699 total views

 77,699 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,309 total views

 82,309 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,869 total views

 83,869 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,430 total views

 49,430 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top