1,695 total views
Tiniyak ng Diocese of San Carlos ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa imbestigasyon kaugnay sa naarestong pari dahil sa pang-aabuso.
Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza bagamat nakalulungkot ang pangyayari ay iginiit ang paninindigan ng diyosesis sa adbokasiya ng simbahan na labanan ang anumang uri ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan lalo na kung sangkot ang isang pastol ng simbahan.
“I sincerely convey my utmost assurance to fully cooperate with the civil authorities and to properly observe the legal process of our Judicial system for the truth to come out and for justice to be served accordingly. Together with the whole diocese, we commit to provide the needed information openly and honestly to the public without reservation,” bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.
Batay sa ulat inaresto ng mga pulis si Father Conrado Mantac noong March 27 dahil sa alegasyon ng sexual abuse na isinampa ng 17-taong gulang na babaeng choir member sa simbahan ng Sagay City, Negros Occidental noong 2022.
Kinundena ng obispo ang pang-aabuso lalo’t tahasan itong paglabag sa kautusan ng simbahan at estado.
Tiniyak ni Bishop Alminaza ang suporta sa biktima at sa buong pamilya kabilang na rito ang physical, medical, psychological at higit sa lahat ang aspetong espiritwal.
“The Diocese would like to assure the alleged victim and her family of support and protection,” ani ng Obispo.
Pansamantalang sinuspende sa mga gawaing pastoral si Fr. Mantac na kura paroko ng Most Holy Rosary Parish sa Sagay habang isinasagawa ang imbestigasyon ng awtoridad gayundin ang canonical process ng simbahan.
Gayunpaman, bilang punong pastol ng diyosesis ay suportahan nito ang pari sa pagharap sa isinampang kaso ayon sa nasasaad sa batas.
“As the father of our priests in the Diocese, I also take confidence with the words of Fr. Mantac that he will face the allegations filed against him. We also recognize his right to be presumed innocent until proven guilty and thus support him in his efforts to establish his innocence in court,” ayon sa Obispo.
Kamakailan ay pinaiigting ni Pope Francis ang batas ng simbahan na ‘Vos estis lux mundi’ upang labanan ang sexual abuse sa simbahang katolika.
Hiling ni Bishop Alminaza sa mamamayan na iwasan ang paghuhusga sa halip ay ipanalangin ang pari gayundin ang biktima.
“As the case proceeds, I humbly ask everyone to keep theor judgements as we await the proper disposition by the court. I implore you to pray Fr. Mantac and the alleged victim, as well as to show them care,” giit ni Bishop Alminaza.
Kasalukuyang nasa nakakulong si Fr. Mantac makaraang isantabi ang kahilingang maglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan.