3,539 total views
Muling hinihikayat ang sambayanang Filipino na makiisa sa pananalangin para sa kalakasan at paggaling ng Santo Papa Francisco.
Ayon kay Fr. Greg Gaston-rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma, si Pope Francis ay kasalukuyang nasa pagamutan dulot ng respiratory infections.
“Let us pray for Pope Francis as he undergoes treatment at the Gemelli Hospital here in Rome for respiratory infections (not Covid). He thanks us all for our prayers and closeness with him in spirit.” ayon kay mensaheng ipinala ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.
Bagama’t nakakaranas ng hirap sa paghinga, nilinaw naman ng Vatican na ang karamdaman ni Pope Francis ay hindi dulot ng novel coronavirus.
Sa batang edad, bago pa man maging pari ay una ring tinanggalan ng isa sa kanyang ‘baga’ ang Santo Papa dahil sa lung infection, dahailan upang madaling kapitan ng sakit.
Sa pahayag ng Vatican, ipinapaabot ng Santo Papa ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nanalangin para sa kanyang agarang paggaling.
“Pope Francis is touched by the many messages received and expresses his gratitude for the closeness and prayer.” ayon sa pahayag ni Matteo Bruni-spokesperson ng Holy See.
Matatandaan na noong July 2021, una na ring dinala sa pagamutan ang Santo Papa at sumailalim sa colon surgery.
Habang sa nakalipas na dalawang taon ay iniinda rin ng pinunong pastol ng simbahan ang labis na pananakit ng tuhod na madalas nang gumagamit ng tungkod at wheelchair.
Ang 86 na taong gulang na si Pope Francis ay inaasahang magdiriwang ng misa sa Palm Sunday sa April 2 at Easter Sunday sa April 9.