2,031 total views
Ilulunsad ng Jesuit Music Ministry ang teleserye mimic soundtrack album na ‘Soundtrack of Our Faith’.
Layunin ng music production arm ng Jesuit Communications Foundation Inc. na bigyang inspirasyon ang mananampalataya sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap sa lipunan.
Tampok sa mga awitin ang mensahe ng pag-asa lalo ngayong ipinagdiriwang ng kristiyanong pamayanan ang dakilang pagliligtas ng Diyos sa sanlibutan.
“It begins with someone facing confusion and challenges in one’s life, then meeting Jesus along their journey to help turn around their miserable situations. Eventually, the path leads to forming an enduring relationship with God founded on faith, hope, and love. Listeners of the album will recognize this thematic shift from dark to light, sadness to joy,” ayon sa JMM.
Gaganapin ang paglulunsad sa April 8, 2023, Sabado de Gloria upang bigyang tuon ang dalang kaligtasan mula sa liwanag ng muling pagkabuhay ni Hesus.
“The full “Soundtrack of Our Faith” album will be launched on Black Saturday – to further emphasize the message of Easter, the promise of fullness of life” anila.
Nagpasalamat ang Heswita sa mga kilalang personalidad na naglaan ng kanilang oras at talento sa pag-awit ng mga kantang nakapaloob sa album.
Ilan sa mga awiting kabilang sa ‘Soundtrack of Our Faith’ ang:
1. “Gandang Sinauna at Sariwa” by Kayla Rivera
2. “Pintig ng Puso” by Floyd Tena
3. “Maging Katulad Mo” by Popper Bernadas
4. “Pagkakaibigan” by Darwin Lomentigar
5. “Tungo Sa’yo” by Bituin Escalante with Hangad
6. “Walang Ibang Tahanan” by Arman Ferrer
7. “Nauna Na Kitang Mahalin” by Erik Santos
8. “Huwag Limutin” Bianca Lopez- Aguila
9. “Stella Maris” Jolina Magdangal
10. “Ito ang Araw” by Lara Maigue and Arman Ferrer
Naniniwala ang JMM na malaki ang maitutulong ng mga kilalang artist upang mapalawak ang ebanghelisasyon sa pamamagitan ng musika.
“The prominent names help JMM’s mission of propagating the faith through music. In a way, because they are already well-known names, they can help invite those who have yet to discover the ministry’s classic and new compositions,” giit ng JMM.
Mapakikinggan ang JMM Music sa digital platforms tulad ng Spotify, Apple Music, Amazon Music, YouTube at Deezer.