Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-aalalá sa climate change

SHARE THE TRUTH

 265 total views

Mga Kapanalig, nitong nakalipas na tatlong taon, napansin mo bang mas mainit at maalinsangan kapag panahon ng tag-init? O kaya naman, nalubog na ba ang inyong bahay sa bahang dala ng tuluy-tuloy na pag-ulan? May nasira ba sa inyong bahay nang daanan ang inyong lugar ng malakas na bagyo o kaya naman ay niragasa ng putik dahil naman sa landslide? 

Kung “oo” ang inyong sagot, isa kayo marahil sa siyam sa sampung Pilipinong nagsabing naramdaman nila ang epekto ng krisis sa ating klima nitong nakaraang tatlong taon. Ito ang lumabas sa isang survey na ginawa ng Social Weather Stations (o SWS) kung saan tinanong nila ang mga lumahok kung mayroon silang personal na karanasan ng mapaminsalang epekto ng climate change. Lumabas ang resulta ng survey ng SWS matapos isapubliko ng United Nations ang report nitong nagsasabing lubhang mabilis kaysa sa inaasahan ang tinatawag na climate impacts habang mas lumalapit tayo sa 1.5 degree Celsius na warming limit.2 Maaari nating sabihing maliit lamang ang 1.5 degree Celsius na pag-init, ngunit sa totoo lang, malaki at malalim ang epekto nito sa pandaigdigang klima. 

Hindi lamang matinding init o mapaminsalang bagyo ang mga epekto ng climate change. Ang mas mainit na daigdig ay nagdudulot din ng malawakang tagtuyot na sumisira sa kabuhayan at pagtaas ng nibel ng tubig-dagat o sea level rise na sumisira sa mga dalampasigan. Banta rin sa kalusugan ng tao at katiyakan sa pagkain ang climate change 

Sa kabila ng pagdanas ng mga epekto ng climate change, walo sa sampung Pilipino naman, dagdag pa rin ng SWS, ang naniniwalang may magagawa pa rin upang mabawasan ang panganib na dala ng nagbabagong klima. Tatlo sa apat naman ang nagsabing kaya pa ng sangkatauhan na pabagalin—kung hindi man tuluyang pigilan—ang climate change kung susubukan lamang natin. Ilan sa mga binanggit na solusyon ay malawakang pagtatanim ng mga puno, pagtitipid sa paggamit ng kuryente, pagre-recycle, at pagbawas sa paggamit ng pribadong sasakyan. 

Ngunit hindi lamang nakasalalay sa mga indibidwal ang pagtugon sa climate change. Mahalagang maunawaan nating bagamat malaking tulong ang pagkakaroon natin ng tinatawag na lifestyle change, dapat ding pagtuunan ng pansin—at tunay na baguhin—ang mga balangkas sa ating lipunang hinahayaan ang mga sakim sa perang sirain ang ating kalikasan para sa kanilang kapakinabangan. Maraming industriyang konektado sa mga mayayamang tao at angkan gayundin sa mga korporasyong nakabase sa mayayamang bansa ang sumisira sa ating kagubatan at karagatan, lumalason sa hangin at tubig, at nagdudulot ng polusyon. Kabilang rito ang malalaking minahan at logging companies na sumisira sa mga kagubatan, mga transportasyong gumagamit ng langis at nagdudulot ng polusyon sa hangin, at mga negosyong gumagamit ng napakaraming tubig o nagtatapon ng nakalalasong kemikal sa ating mga ilog at dagat. 

Sanga-sanga ang mga sanhi ng climate change—mula sa mga pinipili nating mga indibidwal hanggang sa mga malalaking industriyang may pandaigdigang epekto. Mula sa lente ng ating pananampalataya, sinasalamin ng ating mga gawaing nagdudulot ng climate change ang kawalang-galang natin sa ating Diyos at sa biyayang Kanyang ipinagkaloob sa atin. Sa isang pahayag pa noon, sinabi ni Pope John Paul II na ang paggalang sa buhay at sa dignidad ng tao ay dapat umabot din sa iba pang nilikhang inaanyayahang sumama sa tao sa pagpuri sa Diyos. Ang climate change ay bunga ng lantaran nating pagtalikod sa Diyos, ng ating pag-suway sa katuruan ng Diyos, wika nga sa Isaias 24:5.  

Mga Kapanalig, mabuting nag-aalala tayo sa mga epekto ng climate change, ngunit magtulak sana ito sa ating magkaroon ng pagbabago sa ating mga sarili at pagpapanagot sa mga nasa poder na hinahayaang masira ang ating kapaligiran. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,151 total views

 38,151 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,807 total views

 52,807 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,922 total views

 62,922 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 72,499 total views

 72,499 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 92,488 total views

 92,488 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 38,152 total views

 38,152 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,489 total views

 3,489 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,808 total views

 52,808 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,923 total views

 62,923 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 72,500 total views

 72,500 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 92,489 total views

 92,489 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,336 total views

 49,336 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,361 total views

 44,361 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,930 total views

 47,930 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,385 total views

 60,385 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,452 total views

 71,452 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,771 total views

 77,771 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,381 total views

 82,381 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,941 total views

 83,941 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,502 total views

 49,502 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top