Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 575 total views

Homiliya para sa Gabi ng Huling Hapunan, 6 Abril 2023, Juan 13:1-15

Noong buháy pa si Mother Teresa ng Calcuttta, minsan gusto daw siyang interbyuhin ng isang journalist. Sabi ng madre, “Kung gusto mong malaman ang gawain namin, ba’t di ka sumama sa akin. Huwag ka munang maglitrato o magtanong. Magmasid ka lang.”

Sumunod daw ang journalist, at sa isang lugar habang hinuhugasan ni Mother Teresa ang mga paa ng isang matandang pulubi na puno ng sugat na nagnanaknak, nilalangaw at inuuod, hindi daw nakayanan ng dayuhan, nagtatakbo siya sa isang sulok at nagsuka.

Nang bumalik na sila sa kumbento para sa interbyu, ang sabi daw niya, “Sorry I threw up just watching what you were doing. My God, I’ll never do that even for a thousand dollars.” Ngumiti daw si Mother Teresa at ang sabi niya, “Oh, I won’t do it either for money, not even for a million dollars. I can only do it for love.”

Isang Huwebes Santo, may hinugasan akong paa ng isang dating parishioner ko. Pagkatapos ng Misa, lumapit siya sa akin at sinabi niya, “Bishop, pasensya na po at inatras ko yung paa ko kanina. Akala ko kasi huhugasan lang ninyo ang mga paa namin; malay ko bang hahalikan din ninyo.”

Kaya pala nang yuyuko ako para halikan ang paa niya, biglang inatras niya! Pero nang ibigay niya umiiyak na siya. Sabi niya, “Kasi naman ho, wala pa yatang humalik sa paa ko sa tanang buhay ko—kahit asawa o anak ko pa. Ngayon obispo pa. E kahit gaano ako kahirap hindi yata kakayanin ng sikmura ko na halikan ang paa ng kahit na sinong tao.”

Sabi ko sa kanya, “Mali ka, mayroon nang humalik sa mga paa mo, hindi mo lang maalala. Noong baby ka pa, sigurado akong hinalik-halikan ng nanay at tatay mo di lang mga paa mo, kundi pati talampakan at kilikili mo habang humahalakhak ka. Kasi mahal ka nila.”

Napakaganda ng simula ng ebanghelyo tungkol sa paghuhugas ng paa at pagsasalo ng huling hapunan ayon kay San Juan. Sabi niya, “Mahal na mahal ni Hesus ang mga alagad niya; at ipinakita niya ang pagmamahal niya hanggang katapusan.” Ibig sabihin, hindi niya ginawa ang ginawa niya nang gabing iyon para sa pera, o para purihin siya, o para tuparin lang ang isang obligasyon. Ginawa niya dahil sa pag-ibig. He did it only as an act of love.

Binalikan ko iyung lyrics ng isang love song na ang title ay WHAT I DID FOR LOVE. Parang ganoon din pala ang sinasabi. Sabi niya,

“Kiss today goodbye, the sweetness and the sorrow. Wish me luck, the same to you. But I won’t regret what I did for love, what I did for love.”

“Kiss today goodbye and point me toward tomorrow. We did what we had to do… won’t forget, can’t regret what I did for love.” Sa Tagalog, “Halikan mo ng paalam ang ngayon at ituro sa akin ang bukas. Ginawa natin ang dapat gawin. Walang paglimot at walang pagsisisi sa lahat ng ginawa ko sa ngalan ng pag-ibig.”

Bakit daw? Sabi niya “Love is never gone. As we travel on, Love’s what we’ll remember.“ Sa Tagalog “hindi nawawala ang pag-ibig; sa paglalakbay natin ito lang ang tatandaan natin.”

Paano ba natin lilimutin na ang tinatawag nating Guro at Panginoon, nang huling makasalo siya sa hapunan, siya pa ang naghugas ng paa ng kanyang mga alagad? Pero hindi niya ginawa iyon bilang alipin. Ginawa niya bilang Panginoon, bilang Diyos na nagpapahayag ng pakumbaba at walang hanggang pagmamahal, bilang tanda ng dalisay na pag-ibig.

Ito ang iniwan niyang habilin na gusto niyang tandaan nating lahat. Kaya sinabi niya, “Do this in memory of me.” (Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.) Alaala ng walang hanggang pag-ibig niya sa atin. Paano nila malilimutan ang hapunang iyon? Isang kakaibang pagsasariwa ang ginawa niya sa unang gabi ng Paskwa ng Bayang Israel sa Egipto, nang gabing dumaan ang anghel ng kamatayan upang patayin ang lahat ng mga panganay sa lahat ng mga kabahayan maliban sa mga may nakapintang dugo ng kordero sa hamba ng kanilang mga pintuan. Siya pala ang magiging kordero, ang dugo lang niya ang makapipigil sa anghel ng kamatayan. Katawan at dugo niya ang kapalit ng kanilang katubusan.

Noon pala sa huling hapunan unang nangyari tinatawag ngayon na i-sharon: “Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal.” Para bang ibinalot niya ang mga mahal niya sa mga bisig niya habang dumadaan ang anghel ng kamatayan. Di ba parang ganyan ang ginawa ng isang ina doon sa Turkey noong nangyari ang malakas na lindol. Tinakpan niya ng katawan niya ang sanggol na nakabalot sa bisig niya. Nang mahukay ang nanay, patay na siya. Pero ang sanggol, buhay siya. Ligtas. Iningatan siya ng ina hanggang wakas, binalutan ng katawan niyang nagkalasog lasog at namatay upang mabuhay ang mahal niya.

Kaya binabalik-balikan natin ang Huling Hapunan. Noon kasi nangyari ang pinakamatinding pakikipagtuos ng Anak ng Diyos kay Satanas. Itinaya niya ang lahat dahil wala siyang ibig mawala kahit na isa sa kanila. Di ba ito ang paulit-ulit nilang narinig sa bibig niya, ayon kay San Juan? Sa Juan 6:30, “Ito ang kalooban ng nagsugo sa akin: na walang mawawala ni isa sa mga pinagkaloob mo sa akin.”Gayundin sa Jn 10:28, “Walang makakaagaw ng kahit na isa sa kanila mula sa aking mga kamay.” At sa Jn 18:19, “Walang nawala ni isa sa mga pinagkaloob mo sa akin.”

Ito ang punto ko kahapon nang sabihin kong ang unang Eukaristiya ay hindi para sa mga banal at matuwid, kundi para sa mga makasalanang tulad ni Hudas, tulad natin.

Bago pa pumasok si Satanas kay Hudas, naunahan na siya ni Hesus. Naibigay na sa kanya ni Hesus ang Eukaristiya. Binalutan na siya. Sa Eukaristiya, ang mensahe ni Hesus kay Satanas ay ganito: pilitin mo mang agawin sa akin ang sinuman sa mga minamahal ko hindi mo kakayanin. Hindi mo sila maaagaw dahil ibinigay ko na ang buhay ko bilang pantubos sa kanila.

Ang gabing ito ng hapunan ng Paskwa ang huling yugto ng pagtutuos nila ni Satanas. Tatalunin niya ang dimonyo. Paano? Huhugasan niya ang kanilang mga paa (kasama na rin ang kay Hudas), at bibigyan niya sila ng tinapay at alak bilang paunang pagbibigay niya ng kanyang katawan at dugo sa krus. Hindi tayo maaagaw ni Satanas sa Diyos dahil sa Sakramentong bumabalot sa atin sa pag-ibig ni Kristo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,103 total views

 27,103 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,759 total views

 41,759 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,874 total views

 51,874 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,451 total views

 61,451 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,440 total views

 81,440 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,285 total views

 7,285 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,415 total views

 9,415 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,414 total views

 9,414 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,416 total views

 9,416 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,412 total views

 9,412 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,284 total views

 10,284 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,486 total views

 12,486 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,519 total views

 12,519 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,873 total views

 13,873 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,969 total views

 14,969 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,177 total views

 19,177 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,896 total views

 14,896 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,265 total views

 16,265 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,527 total views

 16,527 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,220 total views

 25,220 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top