3,999 total views
Nakahanda na ang National Disaster and Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) sa mga inaasahang bagyo na papasok sa bansa.
Ayon kay NDRMMC spokesperson Raffy Alejandro IV, patuloy ang paghahanda ng ahensya sa mga posibleng sakuna na tatama sa bansa gaya ng bagyo, lindol at iba pang mga natural disaster.
“We have hazard maps already available in fact online available po ito sa ating MGB (Mines and Geosciences Bureau) sa PAGASA meron din po ginagamit din natin itong mapang ito when we do our pre-disaster assessment every time na may paparating na bagyo and these maps are very helpful we have identified hanggang barangay level po ang may high risk sila sa floods and landslide and other hazards,” ayon kay Alejandro.
Ayon pa ka kay Alejandro, nakapagpatayo na rin ng mahigit 300 evacuation sites ang NDRRMC katuwang ang Department of Public Works and Highways para sa kaligtasan ng mga nagsisilikas.
“Ang gusto kasi natin is one is to one minimum meron isa kada munisipyo so far ang alam ko po more than 300 na po ang nagawa natin na evacuation center and tuloy-tuloy po iyan para nga po masolve natin yung palagi na problema na laging ginagamit yung eskwelahan at nasisira yung eskwelehan at hindi safe ang eskwelahan so yun po tuioy-tuloy po iyan,” dagdag pa niya.
Ayon sa datos, may higit sa 20-bagyo ang tumatamang bagyo sa bansa kada taon.
Sa kasaysayan, ang bagyong Yolanda noong 2013 ang pinakamalakas na bagyo na naranasan ng Pilipinas na nakapinsala sa mahigit 14-milyon katao sa may 46 na lalawigan, bukod pa sa higit anim na libong katao na nasawi.
With News Intern: Rey Angelo Miguel Bacoy