Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Teves, pinapaharap ng personal sa imbestigasyon ng Senado sa Pamplona massacre

SHARE THE TRUTH

 1,613 total views

Umapela si Senator Risa Hontiveros kay Representative Arnolfo Teves Jr. na humarap sa imbestigasyon ng senado sa pagkadawit sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Iginiit ng mambabatas na hindi angkop ang virtual na pakikilahok ni Teves sapagkat hindi ito naaayon sa proseso.
“Para kay Rep. [Arnolfo] Teves, sana ay umuwi ka na para harapin ang mga isyu at kasong ipinupukol sa iyo. Sir, sa ikapapanatag ng lahat sana po ay magpakita ka dito sa ating hearing physically at hindi virtually,” ani Hontiveros.
Naantala ang pagdinig ng senado sa pangunguna ni Senator Ronald Dela Rosa ng Senate Committee on public order dahil hindi matukoy ang lugar na kinaroroonan ni Teves.

Sinabi ni Hontiveros na kabilang sa basic procedure ng pagdinig kung nasa ibayong dagat ang sangkot na indibidwal ay kinakailangang manunumpa ito sa embahada o konsulado ng Pilipinas.
Tinuran ng mambabatas ang kahalagahan ng imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay kay Degamo para sa kaligtasan ng mamamayan at kapayapaan ng buong bansa.

“So, along with the unsolved murders of journalists, advocates, and even ordinary citizens, it seems none of us are safe – not even the people in this room,” ani Hontiveros.
Tinukoy din ni Hontiveros ang sunod-sunod na pagpaslang sa mga lider ng pamahalaan tulad ng mga alkalde at barnagay officials mula nang matapos ang 2022 elections.

March 4, 2023 nang mangyari ang Pamplona massacre na ikinasawi ni Degamo at walong iba pang indibidwal kung saan nasa sampung indibidwal na ang hawak ng Philippine National Police na karamihan ay tiwaling kawani ng security forces ng bansa.
Naniniwala si Hontiveros na ang pagdinig ng senado ay mabuting hakbang upang mabigyang kapanatagan ang bawat Pilipino lalo na sa usaping kaligtasan.

Una nang nanawagan ang simbahang katolika sa mga lider ng bansa na paigtingin ang imbestigasyon para mabigyang katarungan ang bawat biktima ng karahasan gayundin ang pagpapaigting sa peace and order sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 41,444 total views

 41,444 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 52,519 total views

 52,519 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 58,852 total views

 58,852 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 63,466 total views

 63,466 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 65,027 total views

 65,027 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees

 103 total views

 103 total views Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees Ipinag-utos ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo na buksan ang lahat ng mga simbahan sa diyosesis bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dulot ng banta ng Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Sorsogon executive director, Fr. Ruel Lasay, layunin nitong matiyak ang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Panalangin ng Pag-asa at katatagan sa gitna ng unos

 212 total views

 212 total views Hinihiling ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na higit pang lumalim ang pananampalataya at pag-asa ng sambayanang Pilipino sa pagharap sa hamong dala ng mga sakuna. Dalangin ni Bishop Mangalinao ang katatagan at kaligtasan ng lahat upang makabangon muli sa mga nararanasang pagsubok, at patuloy na magtiwala sa kalooban ng Diyos na Siyang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Prayer for protection against typhoon, inilabas ni Bishop Santos

 332 total views

 332 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang patuloy na kaligtasan ng bansa mula sa banta ng Super Typhoon. Ayon kay Bishop Santos, nawa’y ipadama ng Panginoon ang Kanyang mapagkalingang yakap upang maligtas ang bansa sa mapaminsalang epekto ng mga sakuna. Dalangin din ng obispo ang katatagan at karunungan ng mga lider ng bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ugaliing maging handa sa anumang unos, paalala ng Obispo sa mamamayan

 622 total views

 622 total views nihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos at pagsubok na kinakaharap. Ito ang paalala ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, habang patuloy na hinaharap ng bansa ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Simbahan sa Bicol, muling naghahanda sa banta ng bagyong Pepito

 722 total views

 722 total views Naghahanda na muli ang Diocese of Virac para sa inaasahang pagtama ng binabantayang Bagyong Pepito, na may international name na Man-Yi. Sa panayam sa Barangay Simbayanan, ibinahagi ni Caritas Virac executive director, Fr. Renato dela Rosa, na muling bubuksan ang mga simbahan sa diyosesis upang magsilbing evacuation sites para sa mga residenteng kailangang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtaas ng aktibidad ng bulkang Kanlaon, pinangangambahan

 1,198 total views

 1,198 total views Nangangamba si San Carlos Diocesan Social Action Director, Fr. Ricky Beboso, sa posibleng epekto ng patuloy na pagbuga ng makapal na usok at abo mula sa bulkang Kanlaon sa mga kalapit na pamayanan. Ayon kay Fr. Beboso, ang patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan ay nagdudulot ng pangamba hindi lamang sa kaligtasan,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, kinatawan sa COP29 summit

 2,027 total views

 2,027 total views Magsisilbing kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP29 Summit na magsisimula ngayong araw November 11 hanggang 22, 2024 sa Baku City, Azerbaijan. Ayon kay Bishop Alminaza, na siya ring vice president ng Caritas Philippines, ang kanyang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo ng Virac, umapela ng dasal

 2,953 total views

 2,953 total views Umapela si Virac Bishop Luisito Occiano sa mga pari at mananampalataya ng diyosesis na magkaisa sa pananalangin habang papalapit sa bansa ang Bagyong Nika. Labis na nag-aalala si Bishop Occiano sa posibleng epekto ng bagyo sa lalawigan at mga tao, kaya’t binigyang-diin niya ang pangangailangan ng sama-samang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 3,777 total views

 3,777 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 3,784 total views

 3,784 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 5,084 total views

 5,084 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipatigil ang lahat ng mining project, hamon ng ATM sa pamahalaan

 5,444 total views

 5,444 total views Nananawagan sa pamahalaan ang Alyansa Tigil Mina na ihinto na ang mga mining project sa Pilipinas dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakunang dumadaan sa bansa. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, patuloy na lumalakas at dumadalas ang epekto ng mga bagyo sa bansa dahil sa climate change. Iginiit

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

 5,832 total views

 5,832 total views Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas. Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura. Ayon

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 7,000 total views

 7,000 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 5,646 total views

 5,646 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top