Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 452 total views

Mga Kapanalig, hindi katulad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, tila mas malapít ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr sa Amerika kaysa sa China. Patunay nito ang ginawang expansion ng kasalukuyang administrasyon sa  Enhanced Defense Cooperation Agreement (o EDCA) sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga pasilidad na maaaring ipagamit sa Amerika. 

Pinirmahan noong 2014, ang EDCA ay isang kasunduan sa pagitan ng mga pamahalaang Pilipinas at Amerika na layong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pag-e-estasyon dito sa atin ng mga military troops at operations ng Estados Unidos. Mahalaga raw ito upang tugunan ang mga banta sa seguridad sa bahaging ito ng Asya. Mula noon, may limang EDCA sites ang pinagagamit sa Amerika—sa Palawan, Pampanga, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, at Cebu.  

At ngayon nga, inaprubahan ni Pangulong BBM ang pagdadagdag ng apat pang lokasyon: sa Naval Base Camilo Osias at Lal-lo Airport sa Cagayan, Camp Melchor Dela Cruz sa Isabela, at Balabac Island sa Palawan. Sa isang panayam, sinabi ng pangulong napili ang mga lugar na ito upang depensahan ang silangang bahagi ng ating bansa at ang tinatawag na continental shelf ng Pilipinas. Makatutulong din daw ang karagdagang EDCA sites sa paghahatid ng tulong sa panahon ng mga kalamidad.1 Para naman kay Defense Secretary Carlito Galvez, Jr, maaari ding makahikayat ang EDCA ng foreign investments na magdudulot naman ng economic development sa mga lugar na itatalagang EDCA sites.

May mga pangambang sa pagpapalawig ng EDCA, maaaring maipit ang Pilipinas sa tensyon sa pagitan ng China at Amerika, lalo na sa isyu ng Taiwan. Matagal nang sinasabi ng China na probinsya nito ang Taiwan, habang suportado naman ng Amerika ang pagsasarili ng isla. Nitong mga nakalipas na linggo, tila may pagbabanta ang China sa maaari nitong gawin kung patuloy na magmamatigas ang Taiwan at kung kakampihan ito ng ibang bansa, lalo na ng Amerika. Nagpalipad ng warplanes ang China at tumawid ang mga ito himpapawid ng Taiwan. Dasal nating hindi lumala ang sigalot sa pagitan ng China at Taiwan. Hindi sana ito umabot sa isang digmaang katulad ng umusbong nang sakupin ng Russia ang Ukraine. 

Umaasa tayong masusing pinag-aralan ng ating gobyerno ang pagpapalawig ng EDCA, lalo pa at pinagtibay ng Korte Suprema na constitutional ito at hindi labag sa ating soberenya.3 Ngunit mahirap iwasang isiping hindi tayo madadamay sa gusot sa pagitan ng mga bansang tila nagpapaligsahan kung sino sa kanila ang mas malakas at mas makapangyarihan. Sa pagpapatibay natin sa EDCA at pagpapalawig nito, umaayon tayo sa paniniwalang nakasalalay sa lakas ng sandata ang uri ng ugnayang iiral sa pagitan ng mga bansa.  

Salungat ito sa tinatawag ni Pope John Paul II sa kanyang ensiklikal na Centesimus Annus na collective responsibility o kolektibong responsabilidad na iwasan ang digmaan.4 Ang mga bansa—malaki man o maliit, mayaman man o papaunlad pa lamang—ay may tungkuling buuin ang isang pagdaigdigang kultura ng kapayapaan—isang kulturang kumikilala sa kalayaan ng lahat, itinataguyod ang kabutihan ng mga mamamayan, at hindi nasusukat sa lakas at kapangyarihan ang kadakilaan ng mga bansa. Huwag sanang dumating ang panahong pagsisisihan ng ating gobyerno ang pagsawsaw natin sa hidwaan ng mga bansa sa halip na magsilbing tulay ng kapayaan.  

Mga Kapanalig, “mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,” saad nga sa Mateo 5:9. Sa halip na maging bahagi ng hidwaan sa pagitan ng mga bansa, tutukan sana ng ating pamahalaan ang pagsusulong ng kapayapaan. Sa halip na gatungan ang tensyon sa pagitan ng mga nag-aaway na bansa, magsilbi sana tayong tubig na papatay sa apoy ng nagliliyab nilang alitan.  

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 8,337 total views

 8,337 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 15,460 total views

 15,460 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 22,663 total views

 22,663 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 28,017 total views

 28,017 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 35,623 total views

 35,623 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 8,338 total views

 8,338 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 15,461 total views

 15,461 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 22,664 total views

 22,664 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 28,018 total views

 28,018 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 35,624 total views

 35,624 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 34,233 total views

 34,233 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 73,815 total views

 73,815 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 81,369 total views

 81,369 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 77,252 total views

 77,252 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 88,799 total views

 88,799 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 92,906 total views

 92,906 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 69,803 total views

 69,803 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 69,771 total views

 69,771 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 69,122 total views

 69,122 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 62,655 total views

 62,655 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top