1,798 total views
Pinuri ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang repatriation program ng pamahalaan sa mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa Sudan.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – Vice-chairman ng CBCP-ECMI, ipinapakita ng hakbang na handa ang pamahalaan upang agad matulungan ang mga Overseas Filipino Migrants (OFW) at Filipino Migrants saan mang panig ng daigdig.
“That is a very comforting and reassuring news for our OFWs in Sudan. It is a welcome relief, they are very consoled that we are always thinking of their welfare, doing everything for their security and exhausting all means to bring them safely back home,” bahagi ng mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.
Bukod sa pananalangin at pag-aalay ng misa para sa kaligtasan ng mga kabilang sa repatriation ay inihayag ni Bishop Santos ang programa ng Diyosesis ng Balanga para sa mga umuuwing distressed OFW.
Ito ay scholarships programs ng mga parochial schools ng Diyosesis para sa mga anak ng OFW na umuuwi sa Pilipinas matapos mawalan ng trabaho o maipit sa mga katulad na sigalot.
“This is also programs and plans in other Dioceses as to give hope, heal and help our OFWs whom have been repatriated through our chaplains, we are always praying and offering our Holy Masses for their safety, strength and sound health,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.
Lubos rin ang pasasalamat ng Obispo sa mga nangasiwang opisyal ng pamahalaan higit na sa Department of Foreign of Affairs (DFA) sa agad na pagpapauwi ng 150-OFW na nananawagan sa pamahalaan ng tulong upang ligtas na makauwi sa bansa.
Inaasahan ng DFA na makauwi sa bansa sa April 25 o 26, 2023 ang mga OFW na kabilang sa repatriation.