Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linisin ang kapulisan

SHARE THE TRUTH

 248 total views

Mga Kapanalig, inilabas na ng Special Investigation Task Group 990 (o SITG 990) ng Philippine National Police (o PNP) ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa hinihinalang cover-up o pagtatakip ng pulisya upang hindi maaresto si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo. Nadakip si Mayo sa isang operasyon noong Oktubre 2022 sa Maynila kung saan nasabat ang 990 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 6.7 milyong piso.    

Muling nabuksan ang kaso nang lumabas ang desisyon ng PNP na tangggalin sa serbisyo si Mayo nitong Marso lamang, limang buwan matapos ang operasyon. Ipinag-utos ni Department of the Interior and Local Government (o DILG) Secretary Benhur Abalos na imbestigahan ang mga posibleng iregularidad at anomalya sa kaso ni Mayo. Noong Abril 10, isiniwalat ni Abalos na mayroong “massive attempt” upang pagtakpan ang pagkakaaresto kay Mayo. Pinangalanan niya rin ang sampung pulis na may matataas na ranggo na sangkot umano sa sinasabing cover-up. Kung hindi sila kusang-loob na mag-leave, masususpinde ang mga pulis. Ani Abalos, sapat ang ebidensya ng DILG upang magsampa ng reklamo laban sa mga pulis.  

Nanatiling tikom ang mga opisyal ng PNP sa isyu hanggang nitong Abril 13 kung saan ibinahagi ng SITG 990 ang resulta ng kanilang hiwalay na imbestigasyon. Ayon sa kanila, mayroong 49 na pulis na sangkot sa nasabing cover-up. Kabilang sa kanila ang mga heneral, colonel, at hanggang sa patrolmen at women. Ibig sabihin, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang ranggo ng pulisya ay mayroong sangkot. Hanggang ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP.   

Marami ang nababahala sa isyung ito lalo na’t sangkot ang mga frontliners ng pamahalaan sa giyera kontra iligal na droga. Libu-libo ang namatay sa giyerang ito sa ilalim ng administrasyon Duterte. Ang pamilya ng mga biktima ay patuloy na nanawagan para sa hustisya. Patuloy din ang mga hakbang kontra iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Sa katunayan, inilunsad noong nakaraang taon ang “Buhay ay Inagatan, Droga’y Ayawan” (o BIDA) program sa bawat barangay. Layunin daw ng programang itong pababain ang demand o pagtangkilik sa iligal na droga.

Paano magiging matagumpay ang BIDA program kung mismong matataas na opisyal ng pulisya ang sangkot sa mga isyu ng anomalya at iregularidad na may kinalaman sa droga? Makaaasa ba tayong makakamit ng mga namatay sa war on drugs ang katarungan kung malawakang nangyayari ang pagtatakip sa mga kasong sabit ang mga pulis? Makakamit kaya natin ang isang malinis at mapagkakatiwalaang kapulisan? Sana naman. 

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahang ang kagalingan ng tao ang pangunahing dahilan ng pamamahala, kasama rito ang kapulisang dapat maglingkod para sa ating kaligtasan. Layunin ng pamamahalang siguruhing nakakamit ng taumbayan ang kabutihang panlahat o common good. Batay ito sa mahalagang tungkulin ng pamahalaang protektahan at itaguyod ang dignidad at mga karapatan ng bawat tao. Isinusulong ng pamahalaan ang dignidad ng tao at kabutihang panlahat kapag nagpapatupad ito ng mga patakarang magbubunga ng malayang pagsasabuhay ng taumbayan ng kanilang mga karapatan. Samakatuwid, kagalingan ng tao ang nangungunang layunin ng pamamahala. 

Kaya maituturing na seryosong pagyurak sa dignidad ng tao at taliwas sa tunay na hangarin ng pamamahala ang mga iregularidad at anomalya sa kapulisan. Hindi magtatagumpay ang anumang programa nila kung sumasalungat ang mga nagpapatupad ng batas sa hangaring tunay na maglingkod sa taumbayan. Malabo ring makamit ang katarungan kung mananatali ang bulok na sistema sa ahensya.  

Mga Kapanalig, bantayan natin ang isyung ito sa ating kapulisan. Patuloy tayong manawagan para sa malinis na kapulisan at mga tunay na lingkod-bayang katulad ni Hesus na, “naparito hindi para paglingkuran, kundi upang maglingkod,” ayon nga sa Marcos 10:45. 

Sumainyo ang katotohanan.  

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 15,955 total views

 15,955 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,611 total views

 30,611 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,726 total views

 40,726 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,303 total views

 50,303 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,292 total views

 70,292 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 15,956 total views

 15,956 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,956 total views

 1,956 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,612 total views

 30,612 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,727 total views

 40,727 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,304 total views

 50,304 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,293 total views

 70,293 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,329 total views

 47,329 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,354 total views

 42,354 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,923 total views

 45,923 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,378 total views

 58,378 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,445 total views

 69,445 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,764 total views

 75,764 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,376 total views

 80,376 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,936 total views

 81,936 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,497 total views

 47,497 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top