1,771 total views
Pinaigting ng Pilipinas ang pakikipagtulungan at pagkakaisa sa ibang bansa sa pangunguna ng Department of National Defense (DND).
Ito ang tiniyak ni DND Acting Secretary Carlito Galvez Jr sa kanyang pakikipag-diyalogo sa iba pang mga opisyal ng mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nation.
Naganap ito sa ASEAN Maritime Security Symposium kung saan ang Pilipinas ang naging punong-abala sa pagdaraos ngayong taon.
Ipinangako ni Galvez na kaakibat ng paglago ng ekonomiya ang pagsusulong ng kapayapaan at pagtutulungan katuwang ang ibang bansa.
“Ensuring maritime security in the region must not be viewed as our responsibility and contribution to larger international community. We must view it as a way to sustain our economic growth for the actual benefit of our people,” ayon sa pahayag ni Galvez.
Naging tagapagsalita sa symposium ang mga maritime expert na sina University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Dr.Jay Batongbacal at National University of Singapore Senior Research Fellow Dr. Evan Laksmana.
Tema ng Maritime Security Symposium 2023 ang “ASEAN at the Forefront: Emphasizing ASEAN’s Perspective, Highlighting Its Strength,”.
Patuloy naman ang suporta ng simbahang katolika ng Pilipinas sa pagsusulong ng Defense Forces ng kapayapaan at mabuting pakikitungo sa ibang bansa.