978 total views
Ikinagalak ng Philippine National Police ang resulta ng OCTA Research Survey hinggil sa serbisyo ng ahensya.
Lumabas sa Masa Survey, 80-porsiyento ng mga Filipino ang nagtitiwala habang 79-porsyento naman ang kontento sa pagtupad ng PNP sa tungkuling pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
Ayon kay PNP-Public Information Office Chief Police Brigadier General Rederico Maranan, patunay ito na hindi natitinag ang dedikasyon ng bawat miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kabila ng mga usaping nakakaapekto sa hanay.
“This is also a testament that despite some issues hounding the PNP, majority of the people are still appreciating the everyday sacrifices of every police officer patrolling in every corner of the streets, investigating crimes, conducting operations against criminals and assisting those who are in need,” pahayag ni Maranan.
Nakasaad din sa survey na kinikilala ng 41-porsyento ng mga Filipino ang pagpapabuti ng PNP sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan, habang 41-porsyento rin ang naniniwalang naging maayos ang pagtugon ng ahensya sa kriminalidad.
Tiniyak naman ng PNP na bibigyang-pansin at tutugunan ang mga anomalyang kinasasangkutan ng ilang kasapi ng ahensya.
Nagpapasalamat naman ang PNP sa patuloy na pagtitiwala ng publiko, gayundin sa OCTA Research, at nangakong mas pagbubutihan pa ang paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mamamayan tungo sa kapayapaan.
“We value the feedback provided by the survey, and it serves as a reminder of our responsibility to uphold the highest standards of professionalism, and integrity. We remain steadfast in our commitment to improving our performance and working towards a safer and more secure Philippines,” ayon sa PNP.
Suportado naman ng simbahan ang inisyatibo ng PNP na Revitalized KASIMBAYANAN Program na layong paigitingin ang ugnayan sa pagitan ng Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan tungo sa maayos at mapayapang pamamahala sa lipunan.