Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 325 total views

Homily May 21, 2023

Ascension Sunday Cycle A World Communication Sunday

Acts 1:1-11 Eph 1:17-23 Mt 28:16-20

Umakyat na si Jesus sa langit. Iniwan na niya tayo. Iyan ang akala ng marami ngayon at maaaring iyan din ang akala ng mga alagad noong nakatingala sila na sinusundan ng kanilang mga mata ang pag-akyat ni Jesus sa langit. Bye…bye. Wala na siya. Nandoon na siya sa Ama. Hindi ito ang tamang pag-intindi ng pag-akyat ni Jesus sa langit. Ito ang huling salita ni Jesus sa ebanghelyo ni Mateo na ating narinig: “Tandaan ninyo: Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Kaya hindi tayo iniwan ni Jesus. Nagbago lang ang paraan ng kanyang presensiya sa atin.

Sinasabi natin sa ating creed: “Sumasampalataya ako na si Jesus ay umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Ama.” Ano ang ginagawa niya sa kanan ng Ama? Doon siya patuloy na namamagitan para sa atin. At makakaasa tayo sa kanyang pamamagitan kasi alam niya ang ating kalagayan. Dala niya ang ating pagkatao sa harap ng Ama, kaya makakaasa tayo na hindi nawala, bagkus mas lalo pa ngang lumalim ang kanyang pagmamalasakit sa atin. Ang mga nasa langit ay hindi hiwalay sa atin. Patuloy ang kanilang pagtulong sa atin. Sinabi ni Sta. Teresa na sa langit mas magiging busy pa siya sa pagdarasal para sa atin, mas marami pa siyang matutulungan mula doon kaysa nandito siya sa lupa. Lalo na si Jesus! Hindi na lang ang mga taga-Galilea o taga-Jerusalem ang naaabot na. Naaabot na niya ang lahat ng tao sa buong mundo at sa lahat ng panahon kasi nasa langit na siya. Kaya hindi tayo hiniwalayan ni Jesus kasi nandoon na siya sa kanan ng Ama.

Oo, ipinagdarasal niya tayo. Kaya itaas natin ang ating mga pangangailangan sa kanya. Pero lalung-lalo nang ipinagdarasal niya tayo na magawa natin ang huling utos niya na gawin natin. At ano iyon? Na gawin nating alagad niya ang lahat ng bansa, na binyagan natin ang lahat sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, na turuan natin ang mga tao na sumunod sa pinag-uutos niya, na maging saksi niya tayo sa lahat. Gusto ni Jesus na ipagpatuloy natin ang kanyang gawain. Umakyat na siya sa langit na hindi pa tapos ang kanyang misyon kasi ito ay patuloy niyang ginagawa sa pamamagitan natin sa simbahan na katawan niya. Si Jesus pa rin ang gumagawa nito ngunit kasama na tayo at sa pamamagitan na natin. Ganoon kalaki ng kanyang tiwala sa atin. Huwag sana natin siyang biguin!

Pero huwag tayong matakot na hindi natin ito kaya kasi nangako siya na dahil sa kanyang muling pagkabuhay nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa at ito ay ibinigay niya sa atin. Makapangyarihan ang nag-utos sa atin at ang kapangyarihan niya ay kumikilos sa atin. Ang dasal ni San Pablo ay siya din sanang dasal natin. Ano iyon? “Sana liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo…. ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya.” Kumikilos sa atin ang kapangyarihan ni Jesus, ang kapangyarihan na muling bumuhay sa kanya. Alam ba natin ito? Ito ay kumikilos sa atin upang magampanan natin ang ipinagagawa niya sa atin. Makakayanan natin ang ating misyon hindi dahil sa ating galing o tapang, kundi dahil sa kapangyarihan din na galing sa kanya!

Isa rin sa nagpapalakas ng ating loob ay ang pag-asa na binubuhay sa atin ng pag-akyat ni Jesus sa langit. Minsan sinabi ni Jesus na siya ay aalis upang ipaghanda tayo ng matitirhan. Ang bahay ng kanyang Ama ay may maraming silid. Ipaghahanda niya tayo doon ng lugar at babalik uli siya para tayo ay kaunin upang kung nasaan siya, tayo din ay duroon. Ang kapistahang ito ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. Babalik uli siya at isasama tayo kung nasaan siya. Hindi ba ito rin ang sabi ng dalawang anghel sa mga alagad noong nakatingala sila na sinusundan ang pag-akyat ni Jesus sa langit na parang iniwan na sila? “Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.” Babalik uli siya! Pinanabikan natin ito. Umaasa tayo rito. Aakyat din tayo sa langit. Makalangit tayo!

Inuudyok po tayo ng ating kapistahan ngayon sa dalawang direksyon. Una, dito sa lupa. May misyon tayo. Iniwan sa atin ang kapangyarihan ni Jesus upang ipagpatuloy natin ang misyon na pagpalaganap sa kaharian ng Diyos sa lahat. Marami-rami pa ang aabutin natin. Walong bilyon na ang mga tao sa mundo at hindi pa umaabot sa dalawang bilyon ang mga kristiyano. Kaya kailangan tayong magsipag. At huwag tayong matakot. Nangako siya na magiging kasama niya tayo hanggang sa wakas.

Ang pangalawang direksyon. Hinihikayat tayo ng kapistahan na tumingala sa langit at hangarin na makasama tayo doon ni Jesus. Doon sa langit matutupad ang lahat ng ating pinagsisikapan at inaasam. Hindi natin na-i-imagine ngayon ang kagandahan, ang kabutihan at ang kaligayahan na inihanda ng Diyos para sa atin. Kaya huwag tayong matakot sa anumang kabiguan o kahinaan o sa anuman ngang pagkakamali. Maitutuwid ang lahat sa langit.

Ang Ascension Sunday ay ang World Communications Sunday. Ito ay itinatag ni St Paul VI noong 1967 upang kilalanin ang progress na ginawa ng mga tao sa pagpalawak ng komunikasyon. Marami na ang naaabot ng mga tao ngayon sa social media. Sana ito ay gamitin sa pagtupad ng misyon natin na abutin ang lahat ng Magandang Balita. Pero mag-ingat tayo kasi nagagamit din ang social media na magpalaganap ng kasinungalingan. Sa halip na pag-isahin ang mga tao ng media of communication, pinaghihiwalay pa at pinag-aaway pa tayo. Hindi katotohanan ang kumakalat kundi kasinungalingan. Hindi pag-iibigan at pagtutulungan kundi hidwaan.

Huwag po natin ayawan ang social media. Bahagi na ito ng buhay. Mag-ingat lang tayo na hindi tayo mapasama nito. Kailangan ng disiplina upang hindi tayo masilo at maging addict nito. Huwag tayo maniwala sa lahat ng balita na natatanggap natin. Marunong dapat tayo magsuri at hiwalayin ang mabuti sa masama. Huwag tayong magkalat ng kasinungalingan at ng kasamaan. Sa halip, gamitin natin ang social media upang lalong maintindihan ang mensahe ni Kristo. Napakarami ding mabubuting pahayag dito, at tumulong tayong i-share ang magaganda at mabubuti.

Speak the truth in love. Ito ang paksa ng World Communications Day natin. Magsalita tayo ng katotohanan nang may pag-ibig. Ipahayag natin ang katotohan upang umiral ang pagmamahal at hindi ang alitan. Kapag nagsama ang katotohanan at ang pag-ibig, nandiyan ang Magandang Balita, naipapahayag natin si Kristo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 45,474 total views

 45,474 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 60,130 total views

 60,130 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 70,245 total views

 70,245 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 79,822 total views

 79,822 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 99,811 total views

 99,811 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 6,128 total views

 6,128 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 7,225 total views

 7,225 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,830 total views

 12,830 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,300 total views

 10,300 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,348 total views

 12,348 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,676 total views

 13,676 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,922 total views

 17,922 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,350 total views

 18,350 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,410 total views

 19,410 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,720 total views

 20,720 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,449 total views

 23,449 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,635 total views

 24,635 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 26,115 total views

 26,115 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,525 total views

 28,525 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,801 total views

 31,801 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top