1,370 total views
Kinundena ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pagtutol ng mga private employers group at economic manager’s ng Pilipinas sa pagsusulong ng 150-pesos legislated wage hike ng Senado at Kamara.
Ayon kay TUCP Vice President Luis Corral, ang pagtutol ay pagpapakita sa paniniil sa sektor ng mga manggagawa.
“Current minimum wages can even afford a decent meal for a family of five, healthcare and education for their children, and pay for their daily living expenses, do they even know the reality of pawned ATM cards or that workers’ earnings at the end of the month are barely enough to pay for what they owed for sustenance a month ago? This is the reality for millions of working Filipinos and should not be cavalierly dismissed or flippantly backburnered,” mensahe ni Corral sa Radio Veritas.
Apela ni Corral sa mga namamahala sa ekonomiya na magpatupad ng mga polisiya para sa ikabubuti ng mahihirap lalu na ang mga manggagawa.
Iminungkahi naman ng TUCP ang pagpaparami ng mga Kadiwa Ani Kita Stores.
Nanawagan din ang grupo sa pamahalaan na pababain ang presyo ng kuryente at pamamahagi ng 5-libong libong pisong one-time financial assistance upang mapalakas ang purchasing power ng mamamayan.
Nagpahayag na ng pagtutol ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, Employer’s Confederation of the Philippines at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry sa 150-pesos legislated wage hike.
Ikinatwiran naman ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na magdudulot lamang ang hakbang ng higit pang pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Patuloy naman ang Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa pakikiisa sa maga manggagawa upang makamit ang kanilang mga ipinananawagang pagtataas ng suweldo.