Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 497 total views

Homiliya para sa Kapistahan ng Pentekostes, 28 Mayo 2023, Jn 20,19-23

May kasunod na dalawa pang verses ang binasa natin sa first reading tungkol sa nangyari sa mga alagad sa Jerusalem noong araw ng Pentekostes, ayon sa kuwento ni San Lukas sa chapter 2 ng Acts of the Apostles. Sayang nga lang at sa ating unang pagbasa pinutol ang kuwento sa verse 11. Sa kasunod nito, sa verse 12, dinescribe ni San Lukas ang reaksyon ng mga dayuhan dahil narinig daw nila ang mga alagad na nagsasalita sa kani-kanilang linggwahe. Sabay daw na namangha sila at nagtataka. At sa kasunod pang linya, sa v. 13, ang sabi ni San Lukas mayroon daw iba na hindi pagkamangha kundi pagtuya ang naging reaksyon sa mga alagad. Sabi daw nila, “Lasing lang ang mga iyan!” o “nasobrahan lang ng alak.” Hindi daw Holy Spirit kundi spirit of the bottle o nasobrahan lang ng inom ng alcohol. Parang nagpapatawa ang manunulat.

Siguro kaya tinawag silang lasing ay dahil ang tao kapag nasobrahan nga naman ng alak o anumang alcoholic drinks ay nagsasabi-sabi. Pero kung babasahin nating maigi ang kuwento, hindi lang ang sinasabi kundi ang naririnig ng mga dayuhan sa sinasabi ng mga alagad na taga-Galilea ang tinutukoy ni San Lukas. Ang talagang tanong nila ay, “Bakit naiintindihan natin ang sinasabi nila gayung sariling linggwahe nila ang ginagamit nila?”

Sa komunikasyon, kasing-halaga ng pagsasalita ang PAKIKINIG. Ang linggwahe ay hindi lang tungkol sa pagbigkas ng mga salita. Tungkol din ito sa pagsusumikap na unawain ang sinasabi ng nagsasalita. Sa totoo lang, maraming beses, kahit parehong Tagalog na ang sinasabi ng nag-uusap, pwedeng hindi pa rin sila magkaintindihan, di ba? Kapag nagsara ng puso at isip ang tao sa kanyang kapwa-tao, kahit bukas ang mga tainga niya mistulang bingi na rin siya, parang walang naririnig kundi sariling opinyon, kuro-kuro o paunang hatol. Nakukulayan na agad ang paningin o nabibigyan ng ibang kahulugan ang sinasabi ng kausap, na malayo sa ibig sabihin. Kaya nga nauuwi sa giyera ang mga hidwaan, o sa batuhan ng insulto sa social media, o sa laglagan, hiwalayan o dimandahan—kahit sa mga magkakapatid sa pananampalataya.

Noong umattend ako for the first time ng Synod of Bishops sa Rome tungkol sa “Word of God in the Life and Mission of the Church”, may nasabi ang dating Superior General ng mga SVD na si Fr. Tony Pernia na tumawag-pansin sa mga obispong naroroon. Tinawag niyang “hearing aid of the Church” ang mga misyunero. Natawa ang mga obispo, pero napaisip din sila. Sino ba ang nangangailangan ng hearing aid kundi iyung may diperensiya na sa pandinig?

Pag ang kausap mo ay masyadong lumalapit o nakatitig sa bibig mo habang nagsasalita ka, o kaya halos sumisigaw na siya kapag kausap mo, baka daw may diperensya na sa pandinig. Siguro nangyayari din iyon sa simbahan. Hindi ba ito ang pinakadiin ni Pope Francis sa Synod on Synodality? Na isa sa pinakamahalagang sangkap ng buhay-pananampalataya upang umunlad tayo sa tinatawag niyang “communion” o pagkakaisang-puso at diwa ay ang masinsinang pakikinig? Mahirap magkaunawaan o magkatugunan ng kalooban ang mga tao kung di muna sila matutong makinig sa isa’t isa, kung di muna isantabi ang galit at hinanakit, ang “bias” o paunang hatol, mga pansariling opinyon at kuro-kuro.

Di ba sa pakikinig lang nagsisimulang matutong magsalita ang mga bata? Inuulit lang naman ng sanggol sa umpisa ang naririnig niyang mga salita na hindi pa naiintindihan. Sa una, hindi pa niya alam na ang pinauulit sa kanya na salitang “MAMA” o “PAPA” ay ang mismong kumakausap pala sa kanya. Pag nakita niyang biglang lumiwanag ang mukha at napangiti ang kumakausap sa kanya dahil inulit ng sanggol ang MAMA o PAPA, napag-uugnay niya na ito palang humahalik sa kanya, nagpapasuso o nagpapalit ng kanyang lampin, ito pala ng MAMA niya o PAPA niya.

Sabi ni San Pablo sa Romans 8:26, “Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin.” Hindi naman daw talaga tayo marunong makipag-usap sa Diyos, di natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, “kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.”

Hindi sapat ang salita para makipag-usap. Ang pinakamahalaga sa lahat ay pagbubukas-ng-kalooban sa kausap. Upang kahit di tayo magkalahi, magkauri, magkaedad, magka-relihiyon, magkakulay, o magkapartido, pwede pa rin tayong magkaunawaan.

Siguro ito ang ibig sabihin ng simbolismo ng dilang apoy. Ang dila sa Latin ay LINGUA o sa Kastila ay LENGUA. Ito ang ugat na salita ng LINGGWAHE. Dilang apoy—kakaibang klaseng linggwahe ang kaloob ng Espiritu Santo. Hindi ba sa anyo rin ng apoy nagpakita at nakipag-usap ang Diyos kay Moises? Hindi ba’t apoy mula sa baga ang kinuha daw ng anghel at idinuro sa dila ni propeta Isaias para magampanan nito ang gawain ng propeta, para maipahayag niya ang salita ng Diyos?

Kahit isinasalin natin ang Bibliya sa lahat ng linggwahe sa buong mundo, alam natin na ang salita ng Diyos ay hindi lang usapin ng bokabularyo at gramatika kundi ng bukas na kalooban, mabuting kalooban, kaloobang handang makinig at tumalima. Kapag hindi magkaintindihan ang mga tao sa salita, pwede pa rin silang magkaintindihan sa maraming paraan—sa body language, sa pakiramdaman, sa malasakit at kalinga, sa paggalang sa panlasa at kultura. Higit na mahalaga kaysa linggwahe ng dila ang linggwahe ng puso at mabuting kalooban. Ang linggwahe ng Diyos ay pag-ibig. Sabi nga ng kantang kilala ng mga Pilipino, “Ikaw at ako, hindi man magkalahi ay dapat matutong magmahal, isipin mong tayong lahat ay magkakapatid.”

Noong nagpakita ang Panginoong muling nabuhay sa kanyang mga alagad, ayon sa narinig natin sa ebanghelyo, sinabayan niya ang kanyang mga verbal communications o sinasabi ng mga non-verbal communication. Pagkasabi daw niya ng “Peace be with you”, binuksan niya ang mga palad niya. Ipinakita ang mga sugat niya. Ipinahaplos ang tagiliran niya. Sapat na iyon para mapawi ang pagdududa ni Tomas. Hindi lang niya sinabing “Sinusugo ko kayo.” Hiningahan daw niya sila. Sapat na iyon para mapaisip sa kanila ang ibig niyang sabihin. Na kung paanong hiningahan ng Diyos ang putik at nilikha niya ang unang tao na si Adan, ganoon din ang ginagawa ng Anak ng Diyos sa mga alagad niya—sa pamamagitan ng regalong niyang Espiritu, upang likhain sa kanyang mga alagad ang isang bagong pagkatao sa hugis at wangis ng Anak ng Diyos, upang makabahagi tayo sa kanyang buhay at maipagpatuloy ang kanyang misyon ng patuloy na paglikha at pagpapanibago sa sangkatauhan at sa sangnilikha.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 22,438 total views

 22,438 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 37,094 total views

 37,094 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,209 total views

 47,209 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,786 total views

 56,786 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,775 total views

 76,775 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,157 total views

 7,157 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,287 total views

 9,287 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,286 total views

 9,286 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,288 total views

 9,288 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,284 total views

 9,284 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,156 total views

 10,156 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,358 total views

 12,358 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,391 total views

 12,391 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,745 total views

 13,745 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,841 total views

 14,841 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,049 total views

 19,049 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,768 total views

 14,768 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,137 total views

 16,137 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,399 total views

 16,399 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,092 total views

 25,092 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top