Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Unahin ang trabaho sa Kamara

SHARE THE TRUTH

 357 total views

Mga Kapanalig, ang lehislatura—na binubuo ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso—ay isa sa tatlong sangay ng ating gobyerno. Ang dalawang iba pa ay ang ehekutibo (na nasa ilalim ng pangulo ng bansa) at ang hudikatura (na nasa ilalim naman ng Korte Suprema). Ang lehislatura ang may kapangyarihang gumawa ng mga batas at magpasá ng pambansang badyet. May kakayahan din itong pagtibayin o tanggihan ang mga ina-appoint ng presidente. Nag-iimbestiga rin ang mga mambabatas bilang tulong sa paggawa ng mga batas.  

Ngunit nitong mga nakaraang linggo—o kahit noon pa man, sa totoo lang—ang lehislatura, lalo na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso o House of Representatives ay mistulang sabungan kung saan nag-aagawan sa kapangyarihan at kontrol ang mga pulitiko. Hindi nila iyon siyempre aaminin, ngunit hindi naman tayo bulag, bingi, at manhid para hindi mahalatang may tensyon sa pagitan ng magkakaibang partido roon. May kanya-kanyang “manok” ang mga paksyong nais makuha ang kapangyarihan sa Kamara, at kanya-kanya ang mga mambabatas sa pagkampi sa kung sino ang liyamado at magkapagbibigay sa kanila ng mas maraming pabor. Sa pagkakataong ito, mukhang nabigo ang mga nagbabalak agawin ang pamunuan ng Kamara. May mga kagyat na inalis sa mataas na posisyon. May mga ginantimpalaan naman para sa kanilang katapatan sa kasalukuyang liderato. Masaya ang mga may kontrol sa lehislatura dahil maaga raw nilang nasugpo ang mga nagbabalak ng destabilisasyon. 

Sinasabi ng liderato ng Kamara na sa kabila ng mga ganitong isyu, marami namang mga panukalang batas ang umusad sa mga komite at naghihintay na lang mga deliberasyon sa plenaryo. Bago ang kanilang Lenten break, ipinagmalaki ng liderato ng Kongreso na 23 sa 31 na priority bills ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr ang na-approve nila sa pangatlo at panghuling reading. Ang mga nakabinbing mga panukalang nais maging batas ng pangulo ay may kinalaman daw sa paglikha ng mas maraming trabaho at sa pagpapasigla ng ating ekonomiya. Kabilang sa mga ito ang National Land Use Act na matagal nang isinusulong ng iba’t ibang grupo, gayundin ang isang wage assistance program para sa mga nawalan ng trabaho o hanapbuhay. 

Ang mga ito sana ang unahin ng ating mga mambabatas sa halip na ang pag-aagawan sa kapangyarihan. At kung tinatalakay man nila ang mga priority bills na ito, tila pinipili lamang ng ating mga kongresista ang lalahukan nilang deliberasyon. Halimbawa, noong tinalakay sa plenaryo ang National Land Use Act, walang tinatawag na physical quorum sa Kamara. Nakakahiya raw ito, ayon kay Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas, para sa mga estudyanteng required nang pumasok sa kanilang paaralan. Nakakahiya rin sa mga manggagawa at empleyadong oibligado nang pumasok sa kanilang trabaho. Pero noong may alingas-ngas ng agawan sa puwesto, mabilis pa sa alas-kuwatro, ‘ika nga, ang mga congressmen at congresswomen sa pagsuporta sa kanilang mga padrino. 

Sa Pacem in Terris, isang Catholic social teaching, binibigyang-diing ang mga lingkod-bayan—kabilang ang kagalang-galang nating mga mambabatas—ay hindi dapat lumilihis sa kabutihang panlahat o common good. Kung ang lakas, oras, at atensyon ng ating mga mambabatas ay nakatuon sa pag-aagawan sa kapangyarihan, masasabi ba nating common good ba ang kanilang itinataguyod? Ano ang sinasalamin ng mabagal nilang pagtalakay sa mga panukalang batas na pakikinabangan ng lahat kung sakaling maisabatas? Ano ang ipinahihiwatig ng hindi nila pagdalo sa deliberasyon ng mahahalagang batas? 

Mga Kapanalig, wika nga sa Roma 13:1-4, “walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral.” Ipanalangin nating maunawaan ng ating mga mambabatas na ang kapangyarihang tangan nila ay dapat na ginagamit para sa kabutihang panlahat na siyang kalooban ng Diyos. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,024 total views

 21,024 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,680 total views

 35,680 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,795 total views

 45,795 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,372 total views

 55,372 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,361 total views

 75,361 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 21,025 total views

 21,025 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,332 total views

 2,332 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,681 total views

 35,681 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,796 total views

 45,796 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 55,373 total views

 55,373 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,362 total views

 75,362 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,812 total views

 47,812 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,837 total views

 42,837 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,406 total views

 46,406 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,861 total views

 58,861 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,928 total views

 69,928 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,247 total views

 76,247 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,858 total views

 80,858 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,418 total views

 82,418 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,979 total views

 47,979 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top