Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Solusyon sa kagutuman

SHARE THE TRUTH

 986 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang pagbisita sa opisina ng Asian Development Bank (o ADB) noong isang linggo, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na pinaplano ng kanyang administrasyong magtatag ng nationwide food stamp program. Hiningi niya ang suporta ng ADB para sa programang maglalayong ibsan ang kagutuman sa bansa. 

Unang iminungkahi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng food stamps sa mahihirap. Bilang tugon iyon sa lumabas sa survey ng Social Weather Stations na nasa tatlong milyong pamilyang Pilipino ang nakararanas ng gutom noong huling tatlong buwan ng 2022. Pinakamataas ang tinatawag na hunger rate sa Mindanao na tinagurian pa namang “food basket” ng ating bansa. Nasa 12.7% ng mga tinanong doon ay nagsabing nakaranas sila ng gutom at walang makain ang kanilang pamilya noong nakaraang tatlong buwan bago isagawa ang survey. Sa nagtataasang presyo ng mga bilihin ngayon, tiyak na mas marami pa ang nahihirapang makapaghain ng pagkain sa kanilang hapag o kaya naman ay bumibili na lamang ng mga mura ngunit ‘di masusustansyang pagkain. 

Ang pamamahagi ng food stamps ay isinasagawa sa iba’t ibang bansa, kahit pa sa mayayamang bansa katulad ng Estados Unidos at Canada. Sa Amerika, halimbawa, ibinibigay ang food stamps sa mga pamilyang pasók sa itinakdang criteria, pangunahin na rito ang kanilang kinikita o income. Ipinadadala ng gobyerno ang buwanang ayudang pera sa pamamagitan ng tinatawag na electronic benefit trasnfer card na siya namang gagamitin ng benepisyaryo upang makabili ng pagkain sa mga authorized na tindahan at pamilihan.   

Kung maisasakatuparan ang isang nationwide food stamp program sa bansa—at kung hindi ito gagamitin sa katiwalian at kung matitiyak na maabot nito ang mga pamilyang nasa mga lugar na mahirap marating—isa itong positibong hakbang sa pagsusulong ng dignidad ng ating mga kababayang nasa laylayan. Ang pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain ay isang saligang karapatang pantao.  

Maituturing din ang food stamp program na isang paraan ng paglaban sa tinatawag ng ating Simbahan na “scandal of hunger”. Bakit iskandalo? Dahil sa harap ng modernong teknolohiya at maulad na ekonomiya, mayroon tayong mga kapatid na hindi nakakakain nang tatlong beses sa isang araw at mga bata at matatandang kumakalam ang sikmura. At sa mga lungsod, makikita natin kung gaano karaming pagkain ang naaksaya—itinatapon na lamang sa mga basurahan dahil hindi natin maubos o dahil napabayaan nating masira. Nakadudurog ng pusong makita ang mga kapatid nating hinahalukay ang mga tambak ng basura sa pag-asang may pagkain silang makikita. 

Pero kasabay din sana ng pamamahagi ng food stamps ang isang malawakang programang magbabawas sa pag-aaksaya natin sa pagkain. Itataguyod naman nito ang tinatawag natin sa Simbahan na “fraternal solidarity” sa mga kababayan nating nagdurusa dahil sa iskandalo ng kagutuman. Kung pinahahalagahan nating mga indibidwal at ng mga negosyo ang pagkain sa pamamagitan ng responsableng pagkonsumo, nagiging makatarungan tayo at nakakapagkawanggawa sa ating kapwang walang makain. Ang kagutuman ay bunga ng kabiguan nating maging kapatid sa ating kapwa. Sa pag-aaksaya ng pagkain, para na rin nating pinagkaitan ng pagkain ang mga nagugutom.  

Sa totoo lang, may sapat namang pagkain para sa lahat. Hindi ba’t ganito ang ipinahihiwatig ng himala ng pagpaparami ng tinapay at isda na matutunghayan natin sa Juan 6:1-15? Kung magsusumikap tayong ipamahagi ang pagkaing mayroon tayo, walang hindi makakakain.

Mga Kapanalig, biniyayaan ang Pilipinas ng mga likas-yamang magbibigay sa atin ng sapat na pagkain. Kailangan lamang, sa isang banda, ng gobyernong magtitiyak na may sapat na pagkain ang lahat ng pamilya. Sa kabilang banda, kailangan din ng malalim na pagbabago sa kung paano natin pahalagahan ang pagkain nang hindi ito naaaksaya.   

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,102 total views

 20,102 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 34,758 total views

 34,758 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 44,873 total views

 44,873 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 54,450 total views

 54,450 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 74,439 total views

 74,439 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 20,103 total views

 20,103 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,252 total views

 2,252 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 34,759 total views

 34,759 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 44,874 total views

 44,874 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 54,451 total views

 54,451 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 74,440 total views

 74,440 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,717 total views

 47,717 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,742 total views

 42,742 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,311 total views

 46,311 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,766 total views

 58,766 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,833 total views

 69,833 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,152 total views

 76,152 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,763 total views

 80,763 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,323 total views

 82,323 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,884 total views

 47,884 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top