Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maharlika Investment Fund

SHARE THE TRUTH

 422 total views

Mga Kapanalig, umabot ng hanggang alas-dos ng umaga noong nakaraang Miyerkules ang sesyon ng Senado tungkol sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (o MIF). Pirma na lang ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr ang hinihintay upang tuluyan na itong maging batas.  

Unang lumutang noong Disyembre ang tungkol sa pagbubuo ng tinatawag na sovereign wealth fund o pondong pagmamay-ari ng gobyerno na maaaring gamitin nito upang mamuhunan at nang sa gayon ay kumita. Ang kita mula sa mga investments ay ipandadagdag sa panggastos ng gobyerno para sa mga mahahalagang proyekto at programa nito. Sa ibang bansa, ang isang sovereign wealth fund ay mula sa surplus revenues nito o kapag may labis sa pondo ang gobyerno matapos gastusan ang mga dapat pagkagastusan.  

Sa ngayon, walang surplus revenues ang ating gobyerno. Baon pa nga tayo sa utang. Sa ulat ng Bureau of Treasury, ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Abril ay umabot na sa 14 trilyong piso! Kung hahatiin ang halagang ito sa estimated na populasyon ng Pilipinas ngayong taon na 112.9 milyon, may utang ang bawat isa sa atin na ₱123,224. Kung paghahatian naman ito ng 27.5 milyong pamilya, bawat pamilya ay may tumataginting na utang na ₱505,219. 

Sa panukalang batas na ipinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ang pondong bubuo sa MIF ay magmumula sa mga bangkong pag-aari ng gobyerno katulad ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. Gagamitin din ang dibidendo ng Bangko Sentral. Una nang inalmahan ng marami ang plano noong gamitin din ang pension funds ng SSS, GSIS, PhilHealth, at PAG-IBIG Fund, kaya naman, inalis na ang mga ito sa huling bersyon ng panukalang batas.  

Ngunit hindi naman pinipigilan ang mga korporasyong ito na magpahiram ng pera sa MIF. Nariyan pa rin ang pangambang sumali sa MIF ang mga ahensyang nangangasiwa sa mga kontribusyon ng mga manggagawa at sa kanilang pensyon. Nangangamba rin ang mga kritiko ng MIF na magagamit ang kaban ng bayan upang saluhin ang MIF sakaling malugi ito. At kapag ganito ang mangyayari, mapipilitan ang gobyernong magpataw ng mas mataas na buwis o umutang nang mas malaki. 

Bakit kaya kating-kati ang ating mga mambabatas na itatag ang Maharlika Investment Fund? 

Hindi tayo magtataka kung may halong pulitika ang pagkakapasa ng naturang panukalang batas. Nang sinabi ni PBBM nitong Mayo lamang na “urgent” ang panukalang batas—ibig sabihin, kailangan nang maipasa sa lalong madaling panahon—agad na tinalakay ng mga senador ang MIF kahit pa inabot sila nang madaling-araw. 

Kung magpapakitang-gilas na rin lang ang ating mga mambabatas, mas pagtuunan sana nila ng pansin ang pagpasá ng mga batas na tutugon sa mga kagyat na pangangailangan ng mga Pilipino. Kabilang dito ang pagtataas ng minimum wage, pagbura sa kakulangan natin ng mga silid-aralan at mga guro, pagpopondo sa mga programang pangkalusugan at pangkalikasan, at pagpapababa sa ating utang. Sa ganitong paraan, mas makukuha nila ang buong tiwala ng taumbayan, bagay na mukhang kulang—o wala—sa pagmamadali nilang itatatag ang MIF. 

Mga Kapanalig, minsang sinabi ni Pope Francis na kailangan natin ng mga “wise politicians”, mga pulitikong marunong at masinop sa pondong ipinagkakatiwala sa kanila ng taumbayan. Dumami sana ang mga ganitong lider sa ating bayan. Paalala pa sa atin sa Mga Kawikaan 29:2, “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya.” Panatag tayong mga mamamayan kapag mapagkakatiwalaan natin ang ating mga pinuno. Mas susundin natin ang mga batas, mas makikilahok tayo sa mga usaping-bayan, at mas mag-aambag sa kaunlaran ng ating komunidad. Sa isyu ng MIF, malaking trabaho ang gagawin ng ating mga lider upang makuha ang buong tiwala ng taumbayan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,936 total views

 21,936 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,592 total views

 36,592 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,707 total views

 46,707 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,284 total views

 56,284 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,273 total views

 76,273 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 21,937 total views

 21,937 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,406 total views

 2,406 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,593 total views

 36,593 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,708 total views

 46,708 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 56,285 total views

 56,285 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,274 total views

 76,274 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,906 total views

 47,906 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,931 total views

 42,931 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,500 total views

 46,500 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,955 total views

 58,955 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,022 total views

 70,022 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,341 total views

 76,341 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,952 total views

 80,952 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,512 total views

 82,512 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,073 total views

 48,073 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top