3,215 total views
Asahan na ang pagbaba pa ng inflation rate ngayong buwan ayon na rin sa pagtaya ng ekomista.
Ayon kay RCBC chief economist Michael Ricafort, ang pagbaba ng inflation rate ay bunga na rin ng ipinatupad na high interest rate hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maging sa iba pang bansa.
“Nagtaas ng interest rate yung mga central bank sa US sa atin dito para i-counter yung epekto ng giyera last year. So, talagang sinadya na mapabagal ang ekonomiya by way of higher interest rate ng mga central bank.” ayon kay Ricafort.
Dagdag pa ni Ricafort, ito ang tugon ng mga bansa upang balansehin ang epekto ng digmaan lalo na sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Paliwanag pa ng ekonomista, bagama’t marami pa ring ang patuloy na mataas ang presyo ay napabagal naman ang pagtaas ng halaga sa serbisyo at bilihin kasama na ang produktong petrolyo.
Posible rin maitala sa lima hanggang tatlong porsiyento ang inflation sa mga susunod na buwan na dahil sa epekto ng magandang panahon at patuloy na pagbubukas ng ekonomiya makaraan ang paghihigpit dulot ng pandemya.
“Pababa pa po ‘yan, yung June inflation this month bababa pa po ‘yan sa five percent level. Towards the end of the year babagal pa po ‘yan to three percent.” ayon kay Ricafort.
Umaasa naman ang eksperto na hindi magkaroon ng mga mapaminsalang kalamidad upang hindi makaapekto sa supply ng pagkain sa bansa.