1,600 total views
Patuloy ang Economy of Francesco advocates sa pakikipagtulungan sa ibat-ibang sektor at mga bansa upang mapalawak ang adbokasiya na paunlarin ang ekonomiya na hindi sinisira ang kalikasan.
Inihalimbawa ng E-O-F Managers ang paglulunsad ng ECOgive Application kung saan ang magda-download ay nangangakong ilalaan ang kanilang savings na tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya at kalikasan.
Sa tulong ng Application, ay maaring ilagda ang mga inisyatibo ng pagtitipid sa kuryente, tubig kasabay ng pagwawakasi sa pag-aaksaya ng pagkain at pagsasagawa ng recycling.
“Those who download the app pledge to save and donate their savings in five areas: electricity, water, gas, recycling and food waste, three counters indicate the corresponding CO2, water and KwH savings for each act of saving marked in the app, Groups are created and twinned with a solidarity project in poor regions affected by the effects of climate change.” bahagi ng mensaheng ipinadala ng EOF Managers sa Radio Veritas
Sa Mexico at Ivory Coast ay inilunsad ng E-O-F ang pakikipag-diyalogo sa mga kabataan at ekonomista upang mapalalim ang kanilang kaalaman sa mga bagong economic models at ibahagi ang kanilang mabubuting hangarin sa lipunan.
Sa bahagi naman ng Amboseli Kenya, ay maglalakbay ang limang EOF Advocates upang turuan ang Maasi Tribe na may mahigit 2-milyong populasyon sa Africa ng entreprenueship at preservation kasabay ng pagdisenyo ng bagong library para sa mga kabataan.
“This summer from August 10th to August 27th five young members of the EOF community will be traveling to Amboseli, Kenya, the team of young experts will help Maasai tribe with different activities which range from the preservation of the ecosystem to entrepreneurial awareness, and the design phase of a brand new library for children and overall education on agriculture, and more.” bahagi pa ng mensahe ng EOF Advocates.