1,699 total views
Kinilala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang sakripisyo ng bawat retired veterans ng Armed Forces of the Philippines.
Ito ay kaugnay sa naging pagdiriwang ng 63rd Founding Anniversary ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) sa temang “VFP, Patuloy ang Paglilingkod sa Beterano”.
Ayon sa Obispo, lubos na katangi-tangi ang naging paglilingkod ng mga retired veterans dahil sa kanilang naunang paglilingkod sa bayan na pangangalaga ng kapayapaan at seguridad ng Pilipinas.
“I wish to meet you all and speak to you personally for surpassing all the difficulties you have encountered In your active service, your works and sacrifices cannot be sidelined and forgotten into the unknown. We recognize them, we laud them and cherise them, you are our inspiration, what you have left as a legacy will I, the end be rewarded a hundredfold, God bless you all and mabuhay!.” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Bishop Florencio.
Sa bahagi naman ng Department of National Defense at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), kinilala ang naging pagmamahal sa bayan ng mga retired veterans.
Tiniyak din ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang pakikiisa sa pagsusulong ng mga panukala o polisiyang itataas ang antas ng mga serbisyo at iba pang benepisyo na maaring matanggap ng mga beterano.
Habang ayon naman kay PVAO Deputy Administrator Restituto Aguilar, magpapatuloy ang ahensya sa pagtitiyak na natatanggap ng mga retired veterans ang kanilang mga benepisyo matapos ialay ang kanilang buhay para sa Pilipinas.
June 18 1960 ng itatag ang VFP na layuning isulong ang pangangalaga sa mga retiradong hanay ng AFP.