1,924 total views
Ipinag-utos ng Diocese of Dumaguete sa mananampalataya ang pagdadaup palad sa pananalangin ng Ama Namin sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.
Sa liham sirkular ni Bishop Julito Cortez binigyang diin na tanging ang mga pari ang pinahihintulutan sa ‘orans posture’.
“I, therefore, decree that each person attending the Holy Mass should join his/her own hands during the singing or recitation of the Lord’s Prayer while the priest extends his hands in prayer (orans posture).” bahagi ng pahayag ni Bishop Cortes.
Ang kautusan ay bilang pagwawasto sa nakasanayang ‘pagtataas ng kamay at paghahawak ng kamay’ ng mga nagsisimba tuwing aawitin ang ‘Ama Namin’ sa misa at maiwasan ang pagkalito.
“This will ensure clarity and uniformity of hand gesture among the faithful participating in the Holy Mass.” ani ng obispo.
Ipinatupad ang kautusan noong June 16 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus.
Sinisikap ng simbahang katolika sa bansa ang pagpapaigting sa katesismo sa mahigit 80-milyong katoliko kabilang na ang mga wasto at nararapat gawin sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.