1,989 total views
Hindi sang-ayon ang family and life group na maibilang sa implementing rules and regulations (IRR) ng Parents Effectiveness Service Program Act o RA-11908 ang reproductive health provisions.
Iginiit ni Atty. Joel Arzaga-vice president for Legislative affairs of Alliance for the Family Foundation at secretary ng University of the Asia and Pacific Institute of Law na ang estado lagging bias.
“At unang-una po nilang nilagay ay ‘yung reproductive health concerns so siguro bilang mga katoliko, syempre ang ating simbahan ay mayroon partikular na paniniwala tungkol dito at baka mag conflict doon sa ituturo mula dito sa mga modules ng Parent Effectiveness Service program dahil alam naman po natin na ang estado ang kanilang bias is for family planning through artificial means.” ayon kay Arzaga.
Nangangamba rin si Arzaga na ipatupad ang probisyon at modules sa paghuhubog ng mga kabataan, maging sa mga nabibilang sa pananampalatayang Katoliko na tutol sa artificial family planning.
“Hindi lamang po iyon, maliban po sa ating freedom of conscience and freedom of religion sa atin pong saligang batas ‘yung atin mga magulang sila ‘yung mayroong primary right and duty na maghubog sa kanilang mga anak at sana itong mga batas na ito hindi isang paraan na kung saan papalitan yung mga magulang ng estado sa paghuhubog ng mga anak.” dagdag pa ni Arzaga.
June 15, nang nilagdaan ang I-R-R ng RA 11908 na ginanap sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) office kasama si Sec. Rex Gatchalian na kabilang din sa lumikha ng IRR sa ipatutupad na batas.
Nilinaw naman ni Arzaga na hindi tutol ang grupo at simbahan sa nilalayon ng batas na mapabuti ang pagpapalaki at paghuhubog ng mga magulang sa kanilang anak.
Gayunman, nanindigan si Arzaga na ang mga magulang pa rin ang may pangunahing tungkulin sa kanilang anak at hindi ang estado.
Ang batas ay nilagdaan noong July 2022, kung saan kabilang sa mga magpapatupad ang mga lokal na pamahlaaan, kasama ang DSWD, Department of Justice at Department of Health.