3,123 total views
Paiigtingin ang bokasyon sa pagpapastol sa kawan ng Panginoon.
Ito ang layunin sa isasagawang National Retreat for Priests na inisyatibo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Clergy katuwang ang Archdiocese of Cebu.
Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma ito ang pagkakataong magkaisa ang mga pari sa pagninilay upang higit na maisabuhay ang misyon ni Hesus sa sanlibutan lalo na ang pagpapalalim sa pananampalataya ng mamamayan bilang bunga ng 500 Years of Christianity.
“We now turn once again to the Lord as we continue with this Synodal journey, in deepening and spreading the Faith that we have received. It is in this light that we spend these days of retreat and reflection on the Priesthood and the call to holiness.” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.
Hiniling naman ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Vigilio David sa mga pari at relihiyoso sa bansa na dumalo at gamiting pagkakataon ang pagtitipong makiisa sa kapwa pari.
“The National Retreat for Priests provides a sacred space and an opportunity for us to gather as brothers in Christ, to support and encourage one another, and to delve deeper into the profound mysteries of our priestly vocation.” ani Bishop David.
Inaasahan ang 3, 000 delegado sa pagtitipon ng mga pari sa temang “Priesthood: A Call to Holiness” na gaganapin sa IEC Convention Center sa Cebu City sa November 7 hanggang 9, 2023.
Magbibigay panayam sa tatlong araw na pagtitipon si Sister Briege Mckenna ang may akda sa aklat na ‘Miracles Do Happen’ kasama si Spanish Priest Fr. Pablo Escriva de Romani.
Si Sr. Mckenna ay nakapagbigay ng retreat sa mga pari sa nakalipas na 50 taon sa 100 mga bansa sa buong mundo.
Dalangin ni Archbishop Palma na maging matagumpay ang patitipon upang matulungan ang mga lingkod ng simbahan na mapalalim ang bokasyong pagpapastol sa kawan.
“It is my prayer that you journey with us in this NRP 2023, and that these days be helpful, meaningful, and fruitful, as we carry on with joy in our priestly ministry.” ani ng arsobispo.
Ang NRP 2023 ay sa pakikpagtulungan din ng CHARIS Philippines at Marian Solidarity kaya’tmaaring makipag-ugnayan ang mga paring dadalo sa pagtitipon kay CHARIS National Coordinator Fe Barino sa 09173216717, kay Kathrina Buletin ang NRP 2023 General Secretariat chair sa numerong 09957662168 o mag-email sa [email protected].
Ibinahagi ni Barino na P2, 500 ang registration fee para sa kits, IDs, tanghalian at snacks ng mga dadalong pari gayundin ang pagsasaayos sa transportasyon patungo sa mga tutuluyan ng participants.
Sa datos ng CBCP nasa 11, 000 ang bilang ng mga pari sa bansa na nagpapastol sa mahigit 80 milyong katoliko.