3,000 total views
Hinimok ni Senatro Pia Cayetano ang mamamayan ng Bohol na magtulungang panatilihin ang maayos na kapaligiran.
Ito ang mensahe ng mambabatas sa pagbisita sa lalawigan kaugnay sa pagkilala ng UNESCO na Global Geopark ang Bohol.
Batid ni Cayetano na isang katangi-tanging pagkakataon na ideklara ang kauna-unahang geopark province sa Pilipinas dahil kadalasang partikular na lugar lamang ang kinikilala ng UNESCO.
“It’s very rare that [UNESCO] gives this award to a very big area. Often, it’s just one specific area; the challenge for Boholanos is to really preserve it.” bahagi ng pahayag ni Cayetano.
Ayon sa pag-aaral ng UNESCO mayaman sa likas na yaman ang lalawigan at pagkakaron ng karstic geosites tulad ng kuweba, sinkholes at cone karst kabilang na ang kilalang Chocolate Hills sa lalawigan.
Tiniyak ni Cayetano ang suporta sa pagsusulong ng sustainable tourism sa Bohol kasabay ang panawagang himukin ang mga turista sa kahalagahan ng pagpreserba ng mga likas na yaman ng lalawigan.
“We also need to educate visitors to contribute to the preservation and appreciation of the province, and not add to its damage. I also want to encourage, both the locals and the resort owners, to be involved in the promotion of sustainable tourism.” dagdag pa ng mambabatas.
Sa datos ng UNESCO may 195 geopark sa 48 mga bansa kung saan natatangi ang tinataglay ng Bohol na bukod sa Chocolate Hills ay matatagpuan din ang Danajon Double Barrier Reef na kaisa-isa sa Southeast Asia at isa sa anim na dokumentadong double barrier reef sa buong mundo na may 6, 000 years coral growth.
Una nang umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa kapwa Boholano na magtulungang itaguyod ang pagpapahalaga sa likas na yaman at mahahalagang pook alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa ensiklikal na Laudato Si kung saan tungkulin ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan.