1,684 total views
Makikipagpulong ang bagong International Labour Organization director-general kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kakausapin din ni ILO director-general Gilbert Houngbo kay Labor secretary Bienvenido Laguesma at Department of Migrants Worker secretary Susan Ople.
Inaasahang isusulong ni Houngbo ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas sa kanyang pagbisita mula ika-25 hanggang ika-28 ng Hunyo 2023.
Partikular na sa mga ito ay ang katarungang panlipunan, dignidad, pag-ahon sa kahirapan at maayos na trabaho at pasahod sa mga manggagawa.
“Mr Houngbo will emphasize the need for a new social contract to address growing inequalities and persistent poverty through a Global Coalition for Social Justice, in celebration of the Philippines’ 75th anniversary of ILO membership, DOLE will host a reception with government, workers’ and employers’ organizations, as well as UN agencies, international organizations and development partners.” ayon sa ipinadalang mensahe ng ILO Philippines sa Radio Veritas.
Inaasahan rin ang pakikipagdiyalogo ng opisyal ng ILO sa pribadong sektor katulad ng Asian Development Bank at Employer’s Confederation of the Philippines.
Si Houngbo ay unang nagsilbi bilang Prime Minister ng Togolese Republic sa West Africa kung saan siya ay nakilala bilang ekonomista na nagtataguyod ng kapakanan ng mga mahihirap na komunidad sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Unang kinilala ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) ang pagkakatalaga ni Houngbo.
Panalangin ni Father Eric Adoviso – Minister ng AMLC ang pagtatagumpay ng mga adbokasiya ng bagong pinuno ng I-L-O upang ang bawat manggagawa sa buong mundo ay makapamuhay na may dignidad.