Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tiwala sa totoong balita

SHARE THE TRUTH

 242 total views

Mga Kapanalig, para kay Pope Francis, ang pagiging mamamahayag ay isang “noble profession” o marangal na propesyon dahil kaakibat nito ang pakikinig sa katotohanan at paghahatid nito sa publiko.

Ngunit lumabas sa Reuters Institute Digital News Report na dito sa Pilipinas, batid ng karamihan sa atin ang pambabatikos sa mga naghahatid ng balita. Nasa 91% ng mahigit dalawanlibong Pilipinong lumahok sa survey ang nagsabing nakabasa o nakarinig sila ng mga pambabatikos sa mga news media at mga mamamahayag. Halos kalahati sa kanila o 46% ang nagsabing kasama ang mga pulitiko sa mga nagpapalaganap ng pagdududa sa mga mamamahayag at news media. Hindi nalalayo ang karanasan nating ito sa Amerika at Mexico. Kasama rin daw sa mga bumabatikos sa mga lehitimong mamamahayag ang mga celebrities at influencers. Nasa 41% ng mga respondents ang nagsabi nito.  

Ayon pa sa report, magkaugnay ang pambabatikos na ito sa mga mamamahayag sa bumababang tiwala ng publiko sa media sa Pilipinas. Ibig sabihin, kung matindi ang pambabatikos sa media, hindi ganoong kalaki ang tiwala ng tao sa mga miyembro nito. Ang overall trust natin sa balita ay nasa 38% lamang, mas mababa pa sa global average na 40%. Katumbas ito ng halos apat lamang sa sampung Pilipino. Ang mga Pilipinong edad 35 pababa ay mas malamang na magsabing maaaring hindi nila pagkatiwalaan ang balita.  

Sinasalamin naman ng mababang tiwalang ito sa balita ang bumababang interes ng mga Pilipino sa balita. Marami sa atin ang umiiwas nang makinig sa balita at nag-iingat na pag-usapan ang pulitika, sa online man o offline. Nasa 89% ng mga Pilipino ang umiiwas sa mga tinatawag na “hard news” o mga balitang tungkol sa pulitika at katarungang panlipunan o social justice. May mga hindi na nagbabasa ng mga balitang maaaring makapagpalungkot o makapagpabalisa sa kanila. 

Nakababahala ang mga datos na ito. Ang mga mamamahayag na nasa mga lehitimong organisasyon ay nag-aral ng maraming taon at dumaan sa matinding pagsasanay upang maghatid ng totoong balita. Ngunit dala na rin ng paninira sa kanila, binabalewala na rin natin ang katotohanang nais nilang ipabatid sa atin. Samantala, nagiging sources na ng impormasyon at maging ng balita ang mga social media influencers na hindi dumaan sa mahigpit na prosesong humasa sa mga lehitimong mamamahayag. 

Tayong mga Katoliko ay may tungkuling laging kumilos patungo sa katotohanan, igalang ito, at maging responsableng saksi nito. Pinahahalagahan iyan sa ating katesismo at mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Ang paglihis sa katotohanan, wika nga sa Mga Kawikaan 12:22, ay kinamumuhian ng ating Panginoon. Kaya ang pagbatikos sa mga mamamahayag, lalo na kung ang layunin nito ay pagtakpan ang paglabas ng kung ano ang totoo at tama, ay masasabi nating malaking hadlang sa pagtungo natin sa katotohanan.  

Mas nakababahala pang ang mga taong nasa poder—ang mga pulitikong nagpapatakbo ng gobyerno—ay nangunguna pa sa paninira sa mga lehitimong mamamahayag. Hindi lamang nila ito ginagawa sa pamamagitan ng kanilang mga sinasabi. Minsan pa nga, nasa likod pa sila ng mga banta sa buhay ng mga naghahatid ng balita lalo na kung hindi ito pabor sa kanila. Mula nga noong nagsimulang umupo sa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos Jr, hindi bababa sa 75 kaso ng pagbabanta at pag-atake sa mga mamamahayag ang naitala.5 Marami sa kanila ang iniuugnay pa sa mga grupong itinuturing na kalaban ng gobyerno kahit wala namang matibay na ebidensya. 

Mga Kapanalig, ang mababang tiwala nating mga Pilipino sa balita ay hindi sana humantong sa lubusang pagiging bulag at bingi natin sa tunay na nangyayari sa ating bayan. Kung ito ang mangyayari, hindi natin malalamang may mas magandang kalagayan pa tayong maaaring marating. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 17,892 total views

 17,892 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 32,548 total views

 32,548 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,663 total views

 42,663 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 52,240 total views

 52,240 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 72,229 total views

 72,229 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 17,894 total views

 17,894 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,118 total views

 2,118 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 32,550 total views

 32,550 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,665 total views

 42,665 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 52,242 total views

 52,242 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 72,231 total views

 72,231 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,542 total views

 47,542 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,567 total views

 42,567 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,136 total views

 46,136 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,591 total views

 58,591 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,658 total views

 69,658 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,977 total views

 75,977 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,588 total views

 80,588 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,148 total views

 82,148 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,709 total views

 47,709 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top