Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 435 total views

12th Sunday of Ordinary time Cycle A

Jer 20:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33

Ang dami nating kinatatakutan sa buhay. Takot tayong magkasakit. Noong panahon ng covid maraming tao ay takot magka-covid. Takot tayong mamatay. Takot tayong mawalan ng trabaho. Takot tayong bumagsak sa exam. Ang dami nating takot. Kaya maganda ang sabi ng Panginoong Jesus ngayong Linggo: huwag kayong matakot.

Sa maiksing pagbasa natin ngayon, tatlong beses sinabi sa atin: Huwag kayong matakot. Bakit huwag tayong matakot? Kasi may butihin at makapangyarihang Ama sa langit na nakakaalam ng ating kalagayan at nangangalaga sa atin. Ganoon niya tayo kakilala na bilang niya ang bawat buhok natin. Hindi nga natin alam kung ilan ang buhok natin pero ito ay alam ng ating Ama. He knows us more than we know ourselves. Hindi lang na alam niya ang kalagayan natin; hindi niya pahihintulutan na mapasama tayo. Pati nga ang mga maya ay naaalagaan niya. Hindi naman tayo nakakita ng maya na nahulog dahil siya ay gutom. Ano pa kaya tayo na mas mahalaga tayo kaysa sa libu-libong maya? Pababayaan ba tayo ng Diyos Amang makapangyarihan?

Si propeta Jeremias ay minamanmanan ng maraming tao. Galit sila sa kanya kasi sinasabi niya na sinasalakay sila ng kaaway dahil sa mga kasalanan nila. Kaya ang paraan ng kanilang kaligtasan ay ang pagsisisi at pagtitiwala sa kanilang Diyos kaysa makipagdigma sa kaaway. Ayaw tanggapin ng mga tao na mali sila at may kasalanan silang dapat pagsisihan. Kaya naghahanap sila ng pagkakamali ni Jeremias upang siya ay dakpin, mahatulan at mapaghigantihan. Pero hindi natatakot ang propeta. Panatag ang kanyang loob na kakampi niya ang Diyos at alam niya ang nagyayari sa kanya. Ang kanyang mensahe ay wala namang iba kundi ang ipinaparating ng Diyos. Alam ng Diyos ang binabalak ng mga kaaway niya. Ang dasal niya ay: “Ipinagkatiwala ko sa mga kamay mo, O Panginoon, ang aking kapakanan.” Panatag ang loob niya na ang Diyos ay nagliligtas sa mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama. Ipinagtatanggol ng Diyos ang mga inaapi!

Mas lalong malakas ang ating tiwala sa Diyos nang dumating na si Jesus. Naging tao siya. Naging katulad siya natin ang Diyos. Dumating siya upang iligtas tayo at hindi upang parusahan. Mas malakas siya kaysa kasalanan at anumang kasamaan. Siya ang bagong Adan na mas malakas kaysa unang Adan. Ang unang Adan ay nagdala ng kasalanan at kamatayan sa mundo. Nagsimula ang kasamaan dahil sa pagsuway niya. Kahit na kumalat na ang kamatayan sa mundo, pagdating ng Bagong Adan na si Jesus, nabago niya ang lahat. Natalo niya ang kamatayan. Walang nagawa ang maraming kasalanan. Nalinis itong lahat ni Jesukristo. Kaya bakit tayo matatakot? Naibigay na ng Ama ang kanyang bugtong na anak para sa atin, ano pa kaya ang hindi niya maitutulong sa atin? Manalig lamang tayo sa Diyos. Huwag tayong matakot!

Pero ang takot ay nakakatulong din sa atin kung tama ang kinatatakutan natin. Dahil sa takot tayong bumagsak, kaya nag-aaral tayo. Dahil sa takot tayong magkasakit, inaalagaan natin ang ating kalusugan at hindi tayo nagbibisyo kasi sa bandang huli ikasasama din natin ang ating bisyo. Kaya nakakaiwas tayo sa maraming kasamaan dahil sa may takot tayo, basta wasto lang ang kinatatakutan natin. Dahil sa may takot tayo sa Diyos, hindi tayo gumagawa ng masasama na ikagagalit niya. Kaya ano ang dapat nating katakutan? Iyan ang katakutan natin – ang Diyos at hindi ang tao. Ang pinakamasama na magagawa ng tao sa atin ay saktan at patayin ang ating katawan. Hindi nila maaabot ang ating kaluluwa. Maaari tayong ipatapon ng Diyos katawan at kaluluwa sa impiyerno. Matakot tayo sa kanya! Matakot tayong maging duwag sa pagpapatotoo sa katotohanan at sa Diyos. Kung ikinahihiya natin si Jesus ngayon sa harapan ng mga tao, ikahihiya din niya tayo sa harapan ng mga anghel. Matakot tayong magpakalat ng fake news o gumawa-gawa ng mga kwento na hindi totoo. Ang pasikretong sinasabi-sabi natin ay malalaman ng lahat. Ang binubulong natin ay isisigaw sa bubong. Kung ano ang ipino-post natin ay kakalat sa buong mundo at mananatili iyan sa internet. Kaya maging maingat tayo sa pagpo-post. Ang internet ay isang mabisang paraan upang ipakalat ang Magandang Balita at upang manindigan. Pero ito ay isang paraan din upang ikalat ang kasinungalingan.

Ang gulo ng mundo natin ngayon. Marami ang nakakatakot na maaaring mangyari. Marami din ang nananakot sa atin upang tayo ay patahimikin at kontrolin. Kaya maging mapagpanuri tayo kung ano ang dapat nating katakutan at ano naman ang hindi natin katakutan. Paano natin ito malalaman? Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ang Espiritu ng katotohanan at ang Espiritu na nagpapalakas ng ating loob. Magdasal tayo sa kanya at magpagabay tayo sa kanya. Nasa atin siya. Ibinigay siya sa atin ni Jesus.

Simulan na natin ito ngayon. Hindi tayo basta-bastang matatakot kung malakas ang ating pananalig sa Diyos na makapangyarihang Ama. Bilang Ama, mapagkalinga siya. Makapangyarihan siya kaya alam niya ang nangyayari sa atin at hindi niya tayo pababayaan. Mas matakot tayo sa kanya kaysa sinumang tao. Kaya mas sundin natin siya kaysa mga parinig at pagtuligsa ng mga tao. Iyan ang ginawa ng mga martir. Iyan ang ginawa ni San Lorenzo Ruiz at ni San Pedro Calungsod, ang dalawang Plipinong santo natin. Si San Lorenzo Ruiz ay pinako sa krus sa Nagasaki, Japan, at si San Pedro Calungsod ay sinibat sa Guam, USA. Iyan ang ginawa ni San Pedro at ni San Pablo, ang dalawang patron ng simbahan ng Roma. Si San Pedro ay pinako sa krus ng patiwarik at si San Pablo ay pinugutan ng ulo. May takot sila at wala silang takot. May takot sila sa Diyos at wala silang takot sa mga tao. Tinupad nila ang salita ni Jesus kung sino ang katatakutan at ano at sino ang hindi dapat natin katakutan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,458 total views

 23,458 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,114 total views

 38,114 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,229 total views

 48,229 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 57,806 total views

 57,806 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,795 total views

 77,795 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,224 total views

 5,224 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,321 total views

 6,321 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,926 total views

 11,926 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,396 total views

 9,396 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,444 total views

 11,444 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,772 total views

 12,772 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,018 total views

 17,018 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,446 total views

 17,446 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,506 total views

 18,506 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,816 total views

 19,816 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,545 total views

 22,545 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,731 total views

 23,731 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,211 total views

 25,211 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,621 total views

 27,621 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,897 total views

 30,897 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top