2,254 total views
Hinimok ni Father John Mission – National Director ng Stella Maris Philippines ang mga mandaragat na paigtingin ang pakikiisa sa pangangalaga ng karagatan.
Ito ang pagninilay ng Pari sa misang inialay sa Cebu sa naging paggunita ng World Seafarers Days kung saan inalala din ang mga yumaong mandaragat.
Ayon sa Pari, mahalaga ang tungkulin ng bawat isa na pangangalagaan ang dagat laban sa anumang gawain na makakasira sa biyaya ng Diyos para sa sanlibutan na nagbibigay ng pagkain at paraan ng transportasyon.
“In the message that Fr. John delivered during the Memorial at Sea and the celebration of the Mass, he reiterated reflecting the day’s theme which focuses on the role of the seafarers in protecting the ocean, that God’s greatest gift to humanity is the gift of creation, and it is the responsibility of all not just of the seafarers, to care most especially the marine environment which is also the source of life and sustenance.” ayon sa ipinadalang mensahe ng Stella Maris Philippines sa Radio Veritas.
Kasama din ang mga kinatawan ng Marina Philippines at iba pang maritime stakeholders sa idinaos ang pagdiriwang na sinundan ng Fluvial Procession sa Mactan Channel sa Cebu.
Ipinarating naman ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang pagkilala sa sakripisyo ng mga seafarers sa buong mundo.
Inihayag rin ng Arkidiyosesis ng Cebu ang pasasalamat sa mga mandaragat higit na sa kanilang pagtulong sa sektor ng ekonomiya dahil 90% ng shipments ng ibat-ibang produkto ay naihahatid sa tulong ng maritime industry.
Batay sa talaan ng pamahalaan noong December 2022, ay 400-libo ang mga Filipino seafarers sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Patuloy din ang pananalangin ng Stella Maris Philippines kasama ang pag-aalay ng mga misa ng Diocese of Balanga sa Bataan para sa ikabubuti at kaligtasan ng mga Filipino seafarers sa kanilang mga trabaho.