Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Aginaldong kamatayan mula sa ating mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Mga Kapanalig, Disyembre na at nasasabik na tayong mga Katoliko sa araw ng pagsilang ng Panginoong Hesus. Ngunit may ibang kinasasabikan ang ating mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, gayundin ang ating pangulo. Ito ay ang pagpapasa ng isang panukalang batas na magbabalik sa parusang kamatayan o death penalty. Dahil sa tinatawag na “supermajority” sa Kongreso, mukhang nakatitiyak si House Speaker Pantaleon Alvarez na mapagsasama-sama ang lahat ng panukalang batas at maipapasá ang kalalabasang consolidated bill sa ikatlong pagbasa bago sila magbakasyon.

Inihahain sa House Bill 1 ang tatlong paraan ng pagbibitay sa mga taong mapapatawan nito. Una ay ang pagbibigti o hanging. Ikalawa ay sa pagsalang sa firing squad. Ikatlo ay sa pamamagitan ng lethal injection. Sabi pa ni Speaker Alvarez, pag-uusapan pa kung sa aling paraan mas makatitipid ang pamahalaan. (Ganito na po yata kababa ang tingin ng ating mga mambabatas sa buhay ng tao!)

Pinalawig din umano ang mga krimeng saklaw ng parusang ito. Bukod sa mga krimeng gaya ng rape, kidnapping, at drug-related crimes, mapapasama sa mga maaaring hatulan ng parusang kamatayan ang mga taong napatunayang nagkasala ng treason o pagtataksil, bribery o panunuhol, at pluder o pandarambong. Death penalty ang sinasabing susi upang mapababa ang mga kaso ng karumal-dumal na krimen sa bansa. (Pero hindi ba’t ipinagmamalaki ng ating kapulisan ang bumababa umanong crime rate sa Pilipinas?)

Naninindigan ang ating Santa Iglesia laban sa pagbabalik ng death penalty. Bago matapos ang buwan ng Nobyembre, dalawang pahayag ang inilabas ng CBCP na mariing tinututulan ang parusang ito. Una ay mula sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas. Ipinapaalala nilang ang pagbuwag sa parusang kamatayan noong 1987 ay patunay na walang puwang ang di-makataong parusang ito sa lipunang pinangangalagaan at itinataguyod ang buhay ng tao. Pinaiiral rin ng death penalty ang isang kultura ng karahasan o culture of violence. Lalo pa nitong inilulugmok ang mga maralitang lumabag sa batas dahil wala silang kakayahang makakuha ng serbisyo ng mahuhusay na abogado upang maipagtanggol ang kanilang mga karapatan at malitis nang tama. Giit ng Sangguniang Laiko: hindi tunay na katarungan ang nakakamit ng parusang kamatayan.  

Inspirasyon naman ng Permanent Council of the CBCP ang mga naging wika ni Pope Francis hinggil sa parusang kamatayan. Sa halip na katarungan para sa mga nagawan ng pagkakasala, hinihimok ng ganitong pagpaparusa ang mapanirang paghihiganti. Kaya naman, ang pagtutol sa death penalty, gaya pa rin ng sinabi ng Santo Papa, ay bukal ng pag-asa: Hindi na katanggap-tanggap ang parusang kamatayan gaano man kalaki o kasama ang kasalanang nagawa ng isang nahatulang tao. Ang bawiin ang buhay ng taong nagkasala sa batas ay paglabag sa kasagraduhan ng buhay at sa dignidad ng tao. Taliwas ito sa plano ng Diyos para sa atin at sa ating lipunan, gayundin sa paggawad niya ng katarungang nagpapatawad.

Mga Kapanalig, binubura ng parusang kamatayan ang anumang pagkakataon ng isang nagkamali na makapagbagong-buhay. Hindi natin sinasabing hindi dapat parusahan ang mga nahahatulan sa korte, lalo na kung dumaan naman sila sa tamang proseso ng paglilitis at ito ay suportado ng malinaw at di-mapasusubaliang ebidensya. Ngunit, ang pagpaparusa para lamang maipaghiganti ang nagawan ng mali sa halip na bigyan ng pag-asang magbago ang isang tao ay pagmamalupit at hindi makahulugang paggawad ng katarungan.

Ngayong Pasko, kamatayan ang aginaldong handog sa atin ng ating mga mambabatas. Nakakulungkot, mga Kapanalig, na sa panahong ito, may mga taong naniniwalang sa pamamagitan ng mga marahas at brutal na mga paraang ito nakakamit ang hustisya. Malayong-malayo ito sa regalong inihandog ng Panginoon sa atin sa araw ng Pasko, ang nag-iisa niyang anak na si Hesus, ang ating buhay. Bilang mga Katoliko, tayo ay tinatawag ng Panginoon, ang Panginoon ng awa at malasakit, na ipagtanggol ang buhay ng sinumang tao, kahit ang mga nakagagawa ng kasalanan sa kapwa at lipunan.  

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 34,300 total views

 34,300 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 49,377 total views

 49,377 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 55,348 total views

 55,348 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 59,531 total views

 59,531 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,812 total views

 68,812 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 34,301 total views

 34,301 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 49,378 total views

 49,378 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 55,349 total views

 55,349 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 59,532 total views

 59,532 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,813 total views

 68,813 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,839 total views

 50,839 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 49,084 total views

 49,084 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,392 total views

 99,392 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,860 total views

 108,860 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,280 total views

 80,280 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,539 total views

 86,539 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,856 total views

 100,856 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,223 total views

 86,223 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,814 total views

 73,814 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,416 total views

 86,416 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top