1,323 total views
Iginiit ni Interior Secretary Benhur Abalos na patuloy ang pamahalaan sa kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Abalos, maging ang mga opisyal ng pamahalaan ay isasailalim sa random drug testing upang matiyak na malinis ang mga ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
“We have to make a statement. We are going to show our people that the government is serious about this war on drugs. There will be house cleansing, and no one will be spared,” pahayag ni Abalos.
Inihayag ito ng kalihim kasabay ng paggunita sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking or World Drug Day 2023 na may temang People first: Stop stigma and discrimination, strengthen prevention.
Hinimok ni Abalos ang pamahalaan lalo na ang law enforcement agencies na maging huwaran sa pagpapalaganap ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Magugunitang inanunsyo ng kalihim ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga tanggapan ng DILG, mga ahensya, at lokal na pamahalaan bilang bahagi ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.
“Everyone has a role in this fight. We will increase awareness against the use of illegal drugs, strengthen our community-based drug rehabilitation program, empower the youth, engage with the business sector, and promote an active lifestyle,” saad ni Abalos.
Hindi bababa sa 50 pulis ang sinampahan ng kasong kriminal at administratibo dahil sa mga iregularidad sa pagkakasabat ng P6.7 bilyong halaga ng ipinagbabawal na gamot noong Oktubre 2022.
Sa kasalukuyan, kabilang sa mga itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilegal na droga ang shabu, cocaine, marijuana, ecstasy, at solvent.
Una nang inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco sa bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.