2,952 total views
Itinalaga ng Santo Papa Francisco si Zamboanga Administrator at Auxiliary Bishop Moises Cuevas bilang obispo ng Apostolic Vicariate of Calapan, Oriental Mindoro.
Isinapubliko ng Vatican ang pagtalaga kay Bishop Cuevas nitong June 29 alas dose ng tanghali sa Roma o alas sais ng gabi oras ng Pilipinas kasabay ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.
Si Bishop Cuevas ang hahalili kay Bishop Warlito Cajandig na nagretiro sa paninilbihan dahil sa karamdaman.
Naging sede vacante ang bikaryato mula November 2022 na kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Nestor Adalia bilang Apostolic Administrator.
Matatandaang March 2020 nang hirangin ni Pope Francis si Bishop Cuevas bilang katuwang na obispo sa namayapang Archbishop Romulo Dela Cruz ng Zamboanga at tagapangasiwa nito mula Agosto 2022 kasunod ng pagpanaw ni Archbishop dela Cruz noong December 2021.
Si Bishop Cuevas na tubong Batangas City ay ipinanganak noong November 25, 1973, inordinahang pari ng Archdiocese of Zamboanga noong December 6, 2000 at naging obispo August 24, 2020.
Bilang pastol ng bikaryato pamumunuan ni Bishop Cuevas ang halos 900 libong katoliko katuwang ang 70 mga pari sa 23 mga parokya.