Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Freedom of association

SHARE THE TRUTH

 459 total views

Mga Kapanalig, sang-ayon ba kayo sa mandatory na pagpaparehistro ng mga non-government organizations (o NGO) bago sila makapagsagawa ng anumang aktibidad sa isang lugar?

Kamakailan lamang ay naglabas ang Kalinga Provincial Task Force To End Local Communist Armed Conflict (o PTF-ELCAC) ng resolusyong nagsasabing kailangan munang magparehistro sa pamahalaang panlalawigan ang mga NGO bago magsagawa ng anumang aktibidad sa probinsya. Kasabay ng resolusyong ito ang paglabas ng listahan ng diumano’y “sectoral front organizations” ng mga rebeldeng grupo. Kasama sa listahan ang labinwalong lehitimong mga NGO sa Cordillera Administrative Region. Ang listahang ito ay nagmula umano sa 50th Infantry Battalion ng Philippine Army. Mariing kinondena naman ito ng human rights groups na Karapatan at Cordillera Human Rights Alliance (o CHRA). Anila, ang mandatory registration ng mga NGO upang makapagsagawa ng kanilang mga aktibidad ay labag sa kalayaan ng asosasyon o freedom of association. Ang freedom of association ay karapatan ng mga indibidwal na mag-organisa, bumuo, at lumahok sa mga samahan, at nakasaad ito sa Universal Declaration of Human Rights.

Ayon sa Karapatan, ang nasabing resolusyon ay taliwas sa mga batas pandaigdig at pamantayan ng karapatang pantao. Ang malayang pagsasamahan ay napakahalaga raw sa mga civil society organization (o CSO) katulad ng mga NGOs at people’s organizations upang maisagawa at maisulong ang kani-kanilang serbisyo at adbokasiya, lalo na sa pagtataguyod ng karapatang pantao, katarungang panlipunan (o social justice), at sustenableng pag-unlad (o sustainable development). Dagdag ng Karapatan, ang mga organisasyong nasa listahan ay naging instrumental sa pagtatanggol ng mga karapatang pantao, lalo na ng mga katutubo sa Cordillera. Sa pamamagitan ng pagre-red-tag sa mga NGOs, inilalagay ng PTF-ELCAC sa panganib ang mga grupong ito at nilalantad sila sa mga pagbabanta, pananakot, at pangha-harass. Ang mga limitasyong ipinapataw sa mga organisasyon at ang red-tagging na ginagawa ay nakapipinsala sa kakayahan nilang magbigay-serbisyo lalo na sa mga nangangailangan.

Ayon sa mga CSOs, standard procedure na nila ang pagbibigay-alam sa lokal na pamahalaan at komunidad ng kanilang mga aktibidad bago ito isagawa. Ngunit nakababahala na nanggaling ang resolusyon na mandatory registration ng NGOs sa panlalawigang sangay ng NTF-ELCAC. At mas lalong nakababahala ang red-tagging ng mga organisasyong matagal nang tumutulong sa mga komunidad. Ang NTF-ELCAC ay kilala sa paggamit ng red-tagging upang akusahang may ugnayan sa rebeldeng grupo ang mga aktibista, mamamahayag, human rights groups, labor unions, environmental defenders, at mga kritiko ng gobyerno.

Ayon sa UN Special Rapporteur sa freedom of association, anumang organisasyon, rehistrado man o hindi, ay may karapatang magsagawa ng mga legal na aktibidad. Hindi dapat ginagamit ang pagpaparehistro upang bigyan ng permiso ang pagsasagawa ng mga aktibidad na wala namang nilalabag na batas. At hindi dapat ito gamitin para pigilan o hadlangan ang mga organisasyong kritikal sa gobyerno.

Kinikilala ng Simbahan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga CSOs sa pagsusulong ng mga karapatang pantao at pagtulong sa marginalized sectors. Sa Fratelli Tutti, sinabi ni Pope Francis na kapuri-puri ang paglilingkod para sa common good ng mga organisasyong ito. Hindi dapat hinahadlangan ang kakayahan nilang maglingkod at magsulong ng mga adbokasiya para sa common good. At lalong hindi dapat ito hinahadlangan ng gobyerno na may obligasyong ipagtanggol at itaguyod ang mga karapatan ng bawat indibidwal.

Mga Kapanalig, mahalaga sa pagbuo ng malaya at demokratikong lipunan ang freedom of association. Ang kalayaang ito ang nagbibigay-daan upang makamit ng mga organisasyon ang kani-kanilang misyon para sa ikabubuti ng mga tao, lalo na ng marginalized sectors. Huwag sana natin hayaang apakan ng gobyerno ang karapatang ito. Isabuhay sana natin ang salita ng Diyos sa Mga Kawikaan 31:8-9 na ipagtanggol ang mga ‘di makalaban at ipaglaban ang kanilang karapatan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,597 total views

 20,597 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,253 total views

 35,253 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,368 total views

 45,368 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 54,945 total views

 54,945 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 74,934 total views

 74,934 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 20,598 total views

 20,598 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,296 total views

 2,296 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,254 total views

 35,254 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,369 total views

 45,369 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 54,946 total views

 54,946 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 74,935 total views

 74,935 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,772 total views

 47,772 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,797 total views

 42,797 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,366 total views

 46,366 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,821 total views

 58,821 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,888 total views

 69,888 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,207 total views

 76,207 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,818 total views

 80,818 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,378 total views

 82,378 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,939 total views

 47,939 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top