Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 482 total views

Homiliya para sa Ika-13 Linggo ng Karaniwang Panahon, Hulyo 2, 2023, Mat 10:37-42

GANTIMPALA ang paksa ng ating pagninilay sa ating mga pagbasa ngayon.

Minsan natatawa ako sa mga “social experiments” na ginagawa sa social media. Masyado kasing tipikal. Halimbawa, may isang mamâ na nagkukunwaring palaboy at nagugutom. Hihingi siya ng pagkain sa isang “homeless” sa may bangketa. Sasabihin naman ng tunay na palaboy dito sa hindi niya alam na nagkukunwari lang na nagugutom—“Pasensya na, brods, ito lang ang meron ako, isang sandwich na binigay din sa akin. Kakainin ko sana ito mamayang tanghali, pero sige, hati na lang tayo.” Pagkatanggap ng nagkukunwari sa kalahating sandwich, biglang maglalabas siya ng 100 dollars at sasabihin niya, dahil sa ginawa mo, bibigyan kita ng higit pa sa binigay mo. Sinusubukan lang kita; hindi naman ako talagang homeless. Iyon pala ang punto ng experiment? (Hindi mo tuloy alam kung sino ba ang ibinibida—ang sarili niya o ang homeless?)

Pero minsan may napanood ako na medyo kakaiba. Sa isang shop ng “Take-out food” o “Food-to-go” naman ang eksena. Papasok ang isang mamâ na nagkukunwari ding nagugutom. Pwede raw ba siyang maki-amot ng isang shawarma, kahit wala siyang pambayad? Sasabihin ng ale, “Sige, ako na ang bahala. Ako na ang magbabayad para sa iyo, kasi tindera lang ako dito.” As usual, pagkatanggap ng mama ng shawarma, sasabihin niya, “Dahil sa ginawa mo, bibigyan kita ng 100 dollars. Hindi naman ako homeless, social experiment lang ito.” Tatanggapin ng babae ang pera pero susuklian siya ng 95 dollars. Sasabihin niya, “May pera ka naman pala, kaya heto ang sukli. Five dollars lang naman ang shawarmang bigay ko sa iyo. Salamat sa gantimpala mo, pero mas gugustuhin kong ibigay mo na lang iyan sa iba, doon sa mas nangangailangan. Ayoko kasing makundisyon na umasa ng gantimpala sa bawat konting act of charity na gagawin ko.”

Paulit-ulit nating narinig sa ating ebanghelyo ang salitang GANTIMPALA. Galing ito sa dalawang salita: GANTI (ibig sabihin ibinabalik) at PAGPAPALA (ibig sabihin, biyaya). Biyayang bumabalik. Nagbigay ka ng biyaya, may bumalik na biyaya. Bahagi ito ng mga habilin ni Hesus sa mga alagad na isinusugo niya sa misyon. Nililinaw muna ni Hesus sa mga alagad na sinusugo niya ang tunay na diwa ng pagmimisyon—na ito’y nagmumula sa karanasan ng biyaya. Sa Ingles, “sense of grace.” Na dahil naranasan mong biyayaan ka ng kabutihan o kagandahang-loob na higit pa sa inaasahan mo o iniisip mong nararapat sa iyo, ngayo’y matututo ka ring magmahal o magmagandang-loob nang higit pa sa inaasahan naman ng iba sa iyo. Ang tawag dito ni San Pablo ay karanasang “siksik, liglig at umaapaw.” Ang pinagpala ay nagpapala.

Sa ating unang pagbasa, nagpakita ng kabutihan ang mag-asawang taga-Shunem sa propetang Eliseo. Pero ang bumalik na pagpapala sa buhay nila ay higit pa sa inaasahan nila. Nagkaanak pa sila sa kanilang katandaan. Ito siguro iyung tinutukoy ni Hesus na gantimpala ng propeta. Pero hindi pa doon natatapos ang kuwento. May mangyayaring trahedya at mamatay ang bata at bubuhayin siyang muli ng Diyos sa pamamagitan ng propeta. Ibig sabihin, hindi lang sinuklian ng kabutihan ang kabutihang pinakita nila sa propeta. Ang biyayang igaganti ng Diyos ay di hamak na higit pa sa kayang iganti ng propeta dahil sugo lang naman siya ng Diyos. Sa hindi nila nalalaman, ang Diyos pala mismo ang pinakitaan niya ng kabutihan. Pwede ba nating mahigitan ang Diyos sa kabutihan niya sa atin? Di ba ganyan din ang kuwento tungkol kina Abraham at Sarah? Na sa hindi nila nalalaman, ito palang mga estrangherong pinakain nila ay mga anghel na sugo ng Diyos?

May isang expression na pinauso ang mga millennials: “LOVE YOU MORE”. Dati nagri-react ako dito, dahil di ba ang tamang sagot sa I LOYE YOU ay “I LOVE YOU TOO”? Pero sa kalaunan na-appreciate ko rin—Oo nga naman, pag minahal ka nang higit pa sa inaasahan mo, matututo ka ring magmahal nang higit pa sa inaasahan ng iba. LOVE YOU MORE nga.

At mukhang ito rin ang sinasabi ni Hesus sa unang bahagi ng ebanghelyo. Kung ang kaya lang nating mahalin ay ang mga nagmahal sa atin tulad ng mga magulang, kapatid o kapamilya, kung ang malasakit natin ay hindi makalampas sa nagmalasakit sa atin o pinagkakautangan ng loob, kung sa bawat kabutihan na gawin natin ay maghintay tayo ng gantimpala, hindi pa nga tayo alagad. Dahil hindi pa tayo natututong umibig, magmahal o magmalasakit nang tulad ni Kristo, na laging lumalampas sa sarili, laging higit pa sa nararapat. Ang matutong magmahal kung paano tayo minahal ng Diyos sa pamamagitan ni HesuKristo- ito ang diwa ng pakikiisa sa kanyang misyon.

Kuhang-kuha ni San Ignacio de Loyola ang diwang ito sa ginawa niyang panalangin. Sabi niya, “Panginoon, turuan mo akong maging bukas-balad. Turuan mo akong maglingkod nang ayon sa nararapat, na magbigay na walang hinihintay na kapalit. Na magpunyagi na hindi umaangal sa mga hirap na daranasin, na magbigay na walang hinihintay na gantimpala. Sapat na sa akin na malaman na kalooban mo ang aking sinusundan.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 67,918 total views

 67,918 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 82,995 total views

 82,995 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 88,966 total views

 88,966 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 93,149 total views

 93,149 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 102,427 total views

 102,427 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 3,383 total views

 3,383 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 5,513 total views

 5,513 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 5,513 total views

 5,513 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 5,514 total views

 5,514 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 5,510 total views

 5,510 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 6,382 total views

 6,382 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 8,584 total views

 8,584 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 8,617 total views

 8,617 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 9,971 total views

 9,971 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 11,068 total views

 11,068 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 15,279 total views

 15,279 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 10,999 total views

 10,999 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 12,368 total views

 12,368 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 12,629 total views

 12,629 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 21,322 total views

 21,322 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top