1,423 total views
Pagsasayang sa pondo ng bayan ang ginawa ng Department of Tourism sa inilunsad na kampanya na nagtatampok sa likas na yaman at kultura ng Pilipinas.
Ayon kay Deputy Minority Leader at ACT Party list Representative France Castro, bukod sa paggamit ng stock footage ng ibang mga bansa, nahahawig din ang logo ng DoT campaign slogan ng Cyprus.
Dagdag pa ng mambabatas na ang ginawa ng tanggapan ay isa ring panloloko sa mga dayuhan na naniniwalang ang mga nakapaloob sa video ay mula sa Pilipinas.
“This type of shoddy work undermines the credibility and integrity of our tourism industry,” ayon pa kay Castro.
Iginiit ng mambabatas ang kahalagahan ng originality at authenticity sa pagpapakita ng mga magagandang tanawin at pasyalan ng Pilipinas.
“It is unacceptable for the Marcos government to resort to plagiarizing campaign slogans from other countries. We should be showcasing the unique culture, heritage, and natural wonders that make the Philippines truly remarkable,” ayon pa kay Castro.
Sa ulat, tinatayang aabot sa 50-milyong piso ang inilaang pondo ng DoT para sa paglulunsad ng proyekto na ang layunin ay mahikayat ang mga turista na dumalaw sa Pilipinas na makakatulong sa pag-unlad ng turismo.
Panawagan ng mambabatas ang pagsasagawa ng imbestigasyon at ang pagsasampa na kaukulang kaso sa sinumang may kinalaman sa isyu ng paggamit ng mga stock footage na sinasabing mula sa Indonesia, Malaysia at Dubai.
Sa katuruan ng simbahan ang panlilinlang ay tumutukoy sa pagkilos-maliit man o malaki na paghihikayat sa mga tao na maniwala sa mga impormasyong hindi totoo at isang uri ng pagsisinungaling-o ang pagsasabi ng taliwas bagama’t nalalaman ang katotohanan.