1,313 total views
Nababahala ang kinatawan sa Mababang Kapulungan sa pagdami ng bilang ng mga kabataang gumagamit ng vape o e-cigarettes na may masamang epekto sa kalusugan.
Dahil dito, iminumungkahi ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes ang pagpapataw ng karagdagang buwis sa e-cigarettes upang i-discourage ang mga kabataan sa vaping gayundin upang makalikom pondo para sa Universal Health Care na mapapakinabangan ng mas maraming mga Filipino.
“It is very alarming that more and more Filipino youth are using vape and e-cigarettes. Increasing taxes on these products will not only raise funds for Universal Health Care but also dissuade its use, especially among young people.” ayon kay Reyes.
Ayon kay pag-aaral ng 2019 Global Youth Tobacco Survey (GYTS) noong 2021, 14.1 percent ng school-aged children ang gumagamit ng electronic cigarettes o vapes.
Dagdag pa ng mambabatas, lumalabas din sa parehong pag-aaral na ang Pilipinas ang nangunguna sa listahan ng mga bansa sa Southeast Asia ng tumataas ng bilang ng teen vaping.
Naniniwala din si Reyes na bagama’t sinasabing mas ligtas na alternatibo ang vape kaysa sa sigarilyo ay mapanganib pa rin ito sa kalusugan lalo na sa mga batang edad.
Nais din ni Reyes na imungkahi na itaas ang minimum age ng mga maaring bumilit at gumamit ng ‘vape’.
“All of these are addictive and pose various health risks. Maybe it is wise to raise the minimum age of purchase for these products.” he said.
Ayon sa Republic Act 11900 o ang Vape Law na nilagdaan noong July 2022, ibinaba ang age limit ng gumagamit ng vape mula sa 21-taon sa 18 taong gulang.
Sa katuruan ng simbahan, ang pagkagumon sa anumang bagay ay nakakasama hindi lamang sa kalusugan kundi sa pakikitungo sa kapwa at sa Panginoon.