Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Plastic free sari-sari stores, panawagan ng BAN Toxics sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 1,719 total views

Pinaigting ng BAN Toxics ang panawagan upang isulong ang plastic-free sari-sari stores upang maibsan ang suliranin ng basura sa bansa.

Inilunsad ng grupo ang “Kahit konting pagTINGI” campaign kasabay ng paggunita sa International Plastic Bag Free Day na layong ipakita na ang kulturang “Tingi-tingi” ng mga Filipino ay maaaring hindi gumamit ng plastik tulad ng mga pamayanang nagsasagawa na nito sa loob ng maraming taon.

Ayon kay BAN Toxics executive director Rey San Juan, nais ng grupo na isulong ang retailing o pagtitingi na may maingat na pagkakaunawa sa muling pagpupuno o refilling.

“Refilling as a business model is going to be a changemaker of our time, yet again. It has been tested by a number of social enterprises that also share the mission to help address plastic pollution.” ayon kay San Juan.

Hiling ng grupo ang buong pagsuporta ng pamahalaan upang ipakilala ang konsepto ng refilling, reuse o muling paggamit, at iba pang alternatibong pamamaraan sa mga pamayanan upang matugunan ang pagdami ng basura sa kapaligiran.

Hinikayat din ni San Juan ang mga negosyante na mamuhunan at makipagtulungan upang isulong ang paglikha ng plastic-free refilling store sa bansa.

“Urgent action is needed to reduce the impact of plastic packaging waste into the environment. We also call on the industry, supply chains, and retail stores to seriously invest and work together to start establishing plastic-free “refilling” stores to minimize the use of plastic packaging and contribute to beat plastic pollution.” saad ni San Juan.

Ayon sa World Bank, lumilikha ang Pilipinas ng 2.7 milyong tonelada ng basura taon-taon kung saan halos 28 porsyento lamang nito noong 2019 ang na-recycle.
Batay naman sa pag-aaral ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) noong 2019 na ang bansa na tinaguriang ‘sachet economy’ ay gumamit ng 163 milyong plastic sachet packets, 48 milyong shopping bags, at 45 milyong thin film bags.

Patuloy ding isinusulong ng BAN Toxics ang Zero Waste campaign bilang pangunahing paraan upang mabawasan ang paglikha ng plastic waste sa pamamagitan ng konsepto ng reduce, reuse, at recycle sa mga pamayanan.

“We want to curb the consumption of single-use plastics (SUPs) and sachets and promote ‘reuse’ among consumers and shoppers. A radical change in shopping habits requires shifting to sustainable packaging alternatives.” giit ng grupo.

Una nang iginiit ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si’ na bawasan ang paggamit ng mga plastic at iba pang disposable materials upang mabawasan ang nalilikhang basura na nagiging tambak lamang sa kapaligiran.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 4,831 total views

 4,831 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 35,970 total views

 35,970 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 41,557 total views

 41,557 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 47,073 total views

 47,073 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 58,194 total views

 58,194 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

 99 total views

 99 total views Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas. Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura. Ayon

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 1,287 total views

 1,287 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 1,176 total views

 1,176 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

 1,505 total views

 1,505 total views Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas. Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

 1,509 total views

 1,509 total views Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan. Sinabi ni Archbishop

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

UNDAS, isang pag-alala at pagpaparangal

 1,565 total views

 1,565 total views Ipinaalala ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang kahalagahan ng pagpaparangal at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, gayundin sa mga santong namuhay nang may kabanalan. Ito ang mensahe ni Bishop Maralit kaugnay sa paggunita sa Undas ngayong taon—ang All Saints’ Day o Araw ng mga Banal sa November 1

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

 1,876 total views

 1,876 total views Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon. Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nakiisa sa mapayapa at maayos na UNDAS 2024

 2,124 total views

 2,124 total views Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon. Kasabay ng pag-alala at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ng mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na maging maingat laban sa mga mapagsamantalang maaaring samantalahin

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

 2,923 total views

 2,923 total views Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna. “Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Malawakang pagbaha sa Bicol region: Dulot ng pagkasira ng kalikasan, pagbabaw ng ilog at lawa

 3,013 total views

 3,013 total views Ipinaliwanag ng isang pari at tanyag na Bicolano author ang nangyaring malawakang pagbaha sa Bicol Region sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Ayon kay Fr. Wilmer Tria, kura paroko ng St. Raphael the Archangel Parish sa Pili, Camarines Sur, ang pagbaha sa Bicol ay dahil sa kombinasyon ng heograpiya, klima, at mga

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Mabilis na pagtugon ng social action ministries sa mga nasalanta ng bagyo, pinuri ng Caritas Philippines

 3,684 total views

 3,684 total views Kinilala ng social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang agarang pagtugon ng social action ministries ng bawat diyosesis na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang mabilis na pagkilos ng bawat social arm ay patunay na nakatulong

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Prayer for Protection from typhoon Kristine, ini-alay ni Bishop Santos

 4,549 total views

 4,549 total views Hinihiling ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na mapasailalim sa pangangalaga ng Diyos ang mga lugar na kasalukuyang hinahagupit ng Bagyong Kristine lalo na sa CALABARZON Region at lalawigan ng Rizal. Dalangin ni Bishop Santos na kasabay ng paglakas ng bagyo, ang Diyos ay magsilbing kalasag laban sa anumang kapahamakan, lalo na sa mga

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Caritas Caceres, nangangailangan ng suporta

 4,568 total views

 4,568 total views Patuloy ang pag-apela ng tulong ng Caritas Caceres para sa mga nagsilikas na pamilya sa iba’t ibang parokyang kinasasakupan ng Archdiocese of Caceres. Ayon kay executive director, Fr. Marc Real, hindi pa madaanan ang mga pangunahing kalsada patungo sa Naga City, kabilang na rito ang dalawang bayan, dahil lubog pa rin sa baha.

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

100 pesos mo, Tabang natin sa Bicolano, inilunsad ng Archdiocese of Lipa

 4,637 total views

 4,637 total views Inilunsad ng social arm ng Archdiocese of Lipa ang fund raising campaign bilang tugon sa panawagan ng mga lubhang naapektuhan ng sakuna sa Bicol Region. Ito ang “100 pesos mo, Tabang natin sa Bicolano” ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) na layong matulungan sa pamamagitan ng pinagsama-samang sandaang piso ang mga apektadong

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Diocese of Legazpi, nagpapasalamat sa Caritas Manila

 4,645 total views

 4,645 total views Ikinagalak ng Diocese of Legazpi ang natanggap na initial cash assistance mula sa Caritas Manila para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Albay. Ayon kay Social Action Center – Legazpi director, Fr. Eric Martillano, malaking bagay ang paunang tulong na P200,000 para sa mga pamilyang labis naapektuhan ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top