1,870 total views
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang patuloy na pakikipagtulungan sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) upang mapaunlad ang ekonomiya at maisaayos ang kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas.
Inihayag ito ng DOLE sa idinaos na ASEAN Labour Ministers’ (ALM) Work Programme 2021-2025 na dinaluhan ng kinatawan ng ASEAN sa ibat-ibang bansa.
Sa kaniyang talumpati, inihayag ni DOLE Undersecretary Benedicto Ernesto Bitonio ang kahalagahan ng labor migration at pagsunod ng Pilipinas sa ASEAN Declaration on the Protection of Migrant Workers and Family Members in Crisis Situations.
““The Work Programme is not only a government document, it is equally a document for the workers, employers and their organizations, how we communicate the program components to constituents and subsequently get them to participate actively in its implementation and monitoring should be part of the assessment, in this regard, it is equally important to continuously improve the indicators by which we measure outcomes and impacts,” ayon sa mensaheng ipinadala ng DOLE sa Radio Veritas.
Tiniyak din ng opisyal ang pangangalaga ng Pilipinas sa kapakanan ng mga Migrant Workers at iba pang sektor ng manggagawa upang isulong ang kanilang karapatan at malayang pag-organisa ng mga union.
Sa tala ng pamahalan, umaabot na sa 2-milyong ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Kaugnay nito, patuloy ang suporta ng Church People Workers Solidarity sa sektor ng mga manggagawa upang maiparating sa pamalahaan ang mga kaso ng pagmamalabis laban sa mga manggagawa at upang maisulong ang katarungang panlipunan.