4,196 total views
Muling naihalal si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.
Ginanap ang halalan sa unang araw ng 126th plenary assembly ng CBCP sa Marzon Hotel sa Kalibo Aklan nitong July 8, 2023.
Bukod kay Bishop David magsisilbi pa ring Vice President ng kalipunan si Bishop Mylo Hubert Vergara ng Diyosesis ng Pasig.
Kapwa naihalal ang dalawang obispo noong July 2021 at maninilbihan sa kanilang ikalawang termino hanggang 2025.
Kabilang sa mga adbokasiya ni Bishop David sa pamamahala sa CBCP ang panawagan sa mananampalataya na manindigan sa katotohanan sa gitna ng paglaganap ng misinformation gayundin ang pangangalaga sa kalikasan at sama-samang pagtugon sa climate crisis.
Nagtipon ang mahigit 80 obispo para sa tatlong ataw na plenary assembly kung saan ang mga aktibong obispo lamang ang makakaboto.
Sa kasalukuyan 87 ang mga aktibong obispo, tatlong diocesan administrators sa bansa sa 86 na diyosesis, arkidiyosesis, prelatura, at bikaryato habang 43 ang honorary members.
Ginaganap ang CBCP plenary dalawang beses kada taon tuwing Enero at Hulyo.