2,688 total views
Palalimin ang pananampalataya kay Hesus sa pamamagitan ng inspirasyon ng banal na krus.
Ito ang mensahe ni Father Rev.Fr.Mario Jose Ladra – Parish Priest at Rector ng St.Martin of Tours Parish – Diocesan Shrine ng Mahal na Poon sa Wawa sa kapistahan ngayong araw ng Mahal na Poon sa Wawa.
Panalangin ng Pari na maintindihan ng mananampalataya na sa pamamagitan ng pagdedebosyon ng mga Taga-Bocaue ay mapalalim pa ang pananampalataya sa Panginoon sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.
“Maligayang kapistahan po sa Poon ng Krus sa Wawa, ngayong araw na ito napakahalaga po ng Krus sa buhay ng tao sapagkat ito ang krus ni Kristo na kung saan tayo ay niligtas at nagkamit tayo ng buhay na walang hanggan, ang krus sa Wawa ay isang debosyon ng mga taga-Bocaue, lumalalim ang aming pananampalataya sapagkat sa pamamagitan ng krus ay nagiging matibay at matatag ang buhay namin bilang mga Bocaueño at Bulakeño,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Ladra.
Ngayong taon sa pagdiriwang ng Kapistahan ay naisagawa ang pagsasakay ng Mahal na Poong Hesus sa Pagoda upang isabuhay ang ligiran o paglilibot ng Krus at imahen ni Saint Martin De Tours sa ilog na nakapaligid sa Bocaue Bulacan.
Sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Poon ng Krus sa Wawa ay dumalo si Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice-Governor Alex Castro bilang pagbibigay pugay at galang sa kapistahan.
“Congratulations sa bumubuo ng Pista ng Krus ng Wawa, this is a very big celebration, very remarkable at inaabangan talaga ito sa lalawigan ng Bulacan, hindi lang dito sa Bocaue kungdi marmaing ibat-ibang kababnayan natin ang dumadayo dito para saksihan itong fiesta dito sa Bayan Bocaue,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bulacan Vice-governor Alex Castro.
Mensahe naman ni John Martin Alejandro – Soccom Head ng Commission on Social Communication ng Saint Martin De Tours, ang paggunita ng Dakilang Kapistahan ay matapos matagpuan ng isang mangingisda noong 1850 ang krus sa ilog na nagsimula ng pagdedebosyon ng mga mangingisda sa Mahal na Poong krus.