2,182 total views
Tiniyak ng social action and development arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapatuloy sa misyon nitong paigtingin ang aktibong partisipasyon ng Simbahan sa mga usaping panlipunan.
Ito ang pangako ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kasunod ng muling pagkakahalal para sa kanyang huling termino bilang Pangulo ng Caritas Philippines sa kasalukuyang nagaganap na 126th CBCP Plenary Assembly.
“I am committed to working with our partners to ensure that we can continue to provide much-needed assistance to the poor and marginalized, and to promote justice and peace in our country.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Ayon sa Obispo, kabilang din sa kanyang mga patuloy na paiigtingin bilang pangulo ng Caritas Philippines ang higit na pagpapatatag ng social action network mula sa 86 na diocesan social action centers sa buong bansa.
Partikular namang inihayag ni Bishop Bagaforo ang higit pang pagpapalawig sa misyon ng Alay Kapwa bilang isa sa mga pangunahing programa ng Simbahang Katolika, kung saan muli ring nanawagan ang Obispo ng suporta mula sa bawat Filipino.
“I call on all Filipinos to support Alay Kapwa and to join us in our work for justice, peace, and the common good,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Obispo para sa patuloy na kumpiyansa at tiwala sa kanya ng CBCP upang patuloy na pamunuan at pangasiwaan ang Caritas Philippines.
“I am grateful for the trust and confidence that the CBCP has given me to lead Caritas Philippines for another term,” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.
Una ng inihayag ng Caritas Philippines na sa pamamagitan ng pagpapaigting ng Alay Kapwa bilang pangunahing fund campaign ng Simbahan ay madaragdagan pa ang kapasidad ng institusyon na makapaghatid ng tulong at suporta sa mga higit na nangangailangan.
Taong 2019 ng unang naihalal si Bishop Bagaforo upang pamunuan ang social action arm ng CBCP bilang pangulo ng Caritas Philippines.