2,802 total views
Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Exodo 1, 8-14. 22
Salmo 123, 1-3. 4-6. 7-8
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
Mateo 10, 34 โ 11, 1
Monday of the Fifteenth Week in Ordinary Timeย (Green)
UNANG PAGBASA
Exodo 1, 8-14. 22
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo
Noong mga araw na iyon, ang Egiptoโy nagkaroon ng ibang hari na walang anumang alam tungkol kay Jose. Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, โNanganganib tayo sa mga Israelita. Silaโy patuloy na dumarami at lumalakas pa kaysa atin. Kailangang gumawa tayo ng paraan para mapigil ang kanilang pagdami.
Baka tayo salakayin ng ating mga kaaway at umanib pa sila sa mga ito at pagkatapos ay umalis sa ating lupain.โ Kayaโt naglagay sila ng mababagsik na tagapangasiwa upang pahirapan ang mga Israelita; ipinagawa ng Faraon sa mga ito ang mga Lungsod ng Pitom at Rameses, lungsod na tinggalan ng mga pagkain at kagamitan. Ngunit habang sinisikil, lalo namang dumarami at lumalaganap ang mga Israelita kayaโt silaโy kinapootan at kinatakutan ng mga Egipcio. Dahil dito, ang mga Israelitaโy lalong sinikil at pinahirapan ng mga Egipcio sa paggawa ng tisa at ng ibaโt ibang mabibigat na gawaing bukid.
Iniutos naman ng Faraon sa mga Egipcio na itapon sa Ilog Nilo ang lahat ng lalaking isisilang ng mga Hebrea at bayaan lamang mabuhay ang mga babae.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 123, 1-3. 4-6. 7-8
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
Ano kayaโt di pumanig sa atin ang Panginoon;
O Israel, ano kaya ang sagot sa gayong tanong?
โKung ang Panginoong Diyos, sa amin ay di pumanig,
noong kamiโy salakayin ng kaaway na malupit,
maaaring kami noon ay nilulon na nang buhay,
sa silakbo ng damdamin at matinding kagalitan.
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
Maaaring kami nooโy natangay na niyong agos,
naanod sa karagataโt tuluy-tuloy na nalunod;
sa lakas ng agos nooโy nalunod nga kaming lubos.
Tayo ay magpasalamat, ang Poon ay papurihan,
pagkat tayoโy iniligtas sa malupit na kaaway.
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
Ang katulad natiโy ibong sa bitag ay nakatakas;
lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak.
Tulong nating kailangan ay sa Poon nagmumula,
pagkat itong lupaโt langit tanging siya ang lumikha.
Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.
ALELUYA
Mateo 5, 10
Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 10, 34 โ 11, 1
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, โHuwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. At ang kaaway ng isang taoโy ang kanya na ring kasambahay.
โAng umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.
โAng tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siyaโy propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siyaโy matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa itoโy alagad ko โ tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.โ
Matapos tagubilinan ang labindalawang alagad, umalis si Hesus upang magturo at mangaral sa mga bayang malapit doon.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Kung tapat tayo kay Kristo, huwag natin asahan na magiging sikat tayo. Nawaโy hubugin ang ating mga hangarin ng hiwagang ito ng Kaharian ng Langit.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming buhay.
Ang mga miyembro ng Simbahan nawaโy maging matapang at lagi nang tapat sa pananampalataya sa gitna ng pakikipagtunggali at pag-uusig, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga magulang nawaโy magkaroon ng lakas at tapang upang gabayan ang kanilang mga anak sa daan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kabataan nawaโy magkaroon ng lakas na mapaglabanan ang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga naliligalig at yaong nagdurusa sa isip at katawan nawaโy hipuin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.
Yaong mga namayapa nawaโy maging masayang walang hanggan sa Kaharian ng Diyos Ama, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga pakikibaka sa buhay. Bigyan mo kami ng kapanatagan sa kabila ng aming pagdurusa, at bigyan mo kami ng lakas na kumilos nang mayroong pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.