3,128 total views
Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Exodo 2, 1-15a
Salmo 68, 3. 14. 30-31. 33-34
Dumulog tayo sa Diyos
upang mabuhay nang lubos.
Mateo 11, 20-24
Tuesday of the Fifteenth Week in Ordinary Timeย (Green)
UNANG PAGBASA
Exodo 2, 1-15a
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo
Noong mga araw na iyon, may mag-asawang buhat sa lipi ni Levi na nagkaanak ng lalaki. Napakaganda ng bata kayaโt tatlong buwang itinago ng ina. Nang hindi na ito maaaring itago pa, kumuha siya ng isang basket na yari sa tangkay ng tambo at pinahiran ng alkitran. Pagkatapos, isinilid niya rito ang bata at inilagay sa talahiban sa gilid ng ilog. Ang ate naman ng bata ay lumagay sa di kalayuan upang tingnan kung ano ang mangyayari.
Maliligo noon sa ilog ang anak na babae ng Faraon. Natanaw niya ang basket kayaโt itoโy ipinakuha sa kanyang katulong na naglalakad-lakad naman sa tabing ilog. Nang maiabot sa kanya ang basket, inalis niya ang takip nito at nakita ang batang umiiyak. Naawa siya at kanyang nasabi, โItoโy anak ng isang Hebrea.โ
Ang kapatid naman ng bata ay lumapit sa prinsesa at kanyang sinabi, โKung ibig po ninyo, ihahanap ko kayo ng isang Hebreang mag-aalaga sa batang iyan.โ
โSige, ihanap mo ako,โ sagot ng prinsesa.
Umalis ang batang babae at tinawag ang kanyang ina. Nang dumating ito, sinabi ng prinsesa, โAlagaan mo ang batang ito at uupahan kita.โ Kinuha ng ina ang bata at inalagaan. Nang malaki na ang bata, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa, at siyaโy itinuring na anak nito. Sinabi niya, โNapulot ko siya sa tubig, kaya Moises ang ipapangalan ko sa kanya.โ
Nang binata na si Moises, dinalaw niya ang kanyang mga kababayan at nakita ang hirap na tinitiis ng mga ito dahil sa mabibigat na gawain. Nakita pa niyang sinasaktan ng isang Egipcio ang isang Hebreo. Luminga-linga siya. Nang walang makitang tao, pinatay niya ang Egipcio at ibinaon sa buhangin. Nagbalik siya kinabukasan at may nakita siyang dalawang Hebreong nag-aaway. Tinanong niya ang may kasalanan, โBakit mo sinasaktan ang kapwa mo Hebreo?โ
โSino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang mangasiwa at humatol sa amin? Papatayin mo rin ba ako, tulad ng ginawa mo sa Egipcio?โ ganting tanong nito sa kanya. Natakot si Moises nang marinig niya ito at noon niya nalaman na may nakakita pala sa ginawa niya sa Egipcio. Nakarating ang balita kay Faraon kaya ibig niyang ipapatay si Moises, ngunit itoโy nakatakas at nakarating sa Madian.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 3. 14. 30-31. 33-34
Dumulog tayo sa Diyos
upang mabuhay nang lubos.
Lumulubog ako sa burak at putik,
at sa malaking along nagngangalit.
Dumulog tayo sa Diyos
upang mabuhay nang lubos.
At sa ganang akin, akoโy dadalangin
sa iyo, O Poon, sanaโy iyong dinggin
sa mga panahon na iyong ibigin;
dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,
ang iyong pangakong pagtubos ay sundin.
Dumulog tayo sa Diyos
upang mabuhay nang lubos.
Naghihirap akoโt mahapdi ang sugat,
O Diyos, itayo mo, ako ay iligtas.
Pupurihin ang diyos, aking aawitan,
dadakilain koโt pasasalamatan.
Dumulog tayo sa Diyos
upang mabuhay nang lubos.
Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
Lingkod na bilanggoโy di nalilimutan.
Dumulog tayo sa Diyos
upang mabuhay nang lubos.
ALELUYA
Salmo 94, 8ab
Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 11, 20-24
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinumbatan ni Hesus ang mga bayang ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisiโt tumalikod sa kanilang mga kasalanan. โKawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, malaon na sanang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang ipakilalang silaโy nagsisisi. Ngunit sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, sanaโy nanatili pa ito hanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes
Matiisin ang Diyos at mulat sa ating mga paghihirap. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa daan ng pagbabalik-loob at pagbabagumbuhay.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panibaguhin Mo kami, Panginoon.
Ang Kristiyanong nananalig nawaโy tumugon sa tawag ng pananampalataya at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaโy bigyan ng Diyos ng katapangan na italaga ang ating sarili para maging malaya kay Kristo ang mga taong napipiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.
Yaong may mga pusong hungkag at nanlalamig nawaโy makatagpo ng kaligayahan sa pag-ibig ng Diyos at ng kanilang kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga may karamdaman sa isip at katawan nawaโy magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namayapa nawaโy masiyahan sa maliwanag na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Diyos ng habag at pag-ibig, pakinggan mo ang daing ng mundong nasusukol sa pagdurusa at pagkakasala. Palayain mo nawa kami sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.